Konboy ni PNoy hinarang ng estudyante at kawani ng UP

Hinarangan ng aabot sa 200 estudyante, guro at kawani ng University of the Philippines, Diliman ang konboy ni Pang. Benigno Aquino III sa harapan ng UP Ayala Techno Hub kaninang umaga.  Nagdulot ng pagka-antala sa pagpasok ng konboy ang protesta laban sa budget cut sa State Universities and Colleges. (Macky Macaspac)

Kagyat namang pinagtulakan ng mga pulis at Presidential Security Group ang mga nagproprotesta, kabilang si ACT Rep. Antonio Tinio (kaliwa) at Prop. Danilo Arao ng UP College of Mass Communications (gitna). (Macky Macaspac)

Nagkakiskisan ang mga taga-UP at pulisya ng sampung minuto, bago nakahanap ng ibang daan papasok sa Techno Hub ang konboy ni Aquino. Dumalo ang pangulo sa pagbubukas ng tatlong bagong service facility sa loob ng Techno Hub na pag-aari ng mga Ayala. (Macky Macaspac)

Sa halip na bigyan ng badyet, itinutulak ni Aquino ang SUCs na magtayo ng mga income-generating projects gaya ng Techno Hub. Tutol dito ang mga taga-UP dahil responsabilidad umano ng gobyerno ang edukasyon ng mga mamamayan nito. (Macky Macaspac)