Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Larawan bilang panlaban sa impunity

Sa kampanya ng NUPL laban sa "impunity" o kawalang pananagutan ng mga tagalabag ng karapatang pantao, naglunsad ito ng kompetisyon para sa mga larawang magpapamalas kung papaano ito lalabanan.

42 taon ng rebolusyon, ipinagdiwang sa Mindanao

Libu-libong mga mamamayan ang dumalo sa selebrasyon para sa ika-42 anibersaryo ng pagrerebolusyon ng Communist Party of the Philippines sa Surigao del Sur, Mindanao. Siyempre, minaliit ito ng AFP. Pero para sa mga dumalo at mga rebolusyonaryo, patunay ang selebrasyon ng ibayong paglakas diumano ng rebolusyon.

Morong 43 taas-kamaong lumaya

Tatlumpu't tatlo sa Morong 43 ang inisyal na lumaya, gabi ng Disyembre 17 at madaling araw ng 18. Maligaya ang mga kaanak, pero para sa mga dating detinido, hindi sa gobyernong Aquino sila dapat magpasalamat -- pinatagal pa nito ng halos anim na buwan ang pagkakakulong nila -- kundi ang mga mamamayang nangalampag, nangulit, nagprotesta.

Mga Larawan: Kaanak, abogado sabik nang makalaya ang Morong 43

Ngapiket sa harapan ng Morong RTC ang kaanak ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang "Morong 43," habang dinidinig ang mosyon ng magkabilang panig (DOJ prosecutors at defense) sa pag-atras ng kaso laban sa Morong 43. (Macky Macaspac)

Morong 43, posibleng makalaya ‘anumang araw ngayong linggo’

Malaki ang pag-asang mapapalaya na ang detinidong 43 manggagawang pangkalusugan “anumang araw ngayong linggo.” Ito ang pahayag ni Atty. Julius Matibag, isa sa mga abogado ng tinaguriang “Morong 43,” matapos ang pagdinig ng Morong RTC sa mosyon ng mga tagausig ng Department of Justice (DOJ) para iatras ang kaso laban sa 43.

Kahit pisikal na manghina, tuloy ang hunger strike ng Morong 43

Sa kabila ng mga pahayag ni Pang. Benigno Aquino III na wala siyang magagawa sa kaso ng Morong 43 at na ang korte ang dapat na magpasya kung sila ay papalayain, matibay pa rin ang paninindigan ng mga detinidong pulitikal na ituloy ang kanilang hunger strike na sinimulan noong Disyembre 3. Ayon kay Dr. Geneveve […]

Kapayapaan, kalayaan ng Morong 43, sigaw ng bata sa Mendiola

Bitbit ang mga karatula, tapestries, at artwork na naglalaman ng kanilang sentimyento hinggil sa umano’y kapabayaan ng gobyerno sa kapakanan at karapatan ng mga bata, nagmartsa ang mahigit 100 bata patungong Mendiola Bridge sa Manila upang ipanawagan ang pagtigil ng karahasan sa mga bata, kapayapaan at kalayaan ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43.