Larawan bilang panlaban sa impunity


Sa kampanya ng NUPL laban sa “impunity” o kawalang pananagutan ng mga tagalabag ng karapatang pantao, naglunsad ito ng kompetisyon para sa mga larawang magpapamalas kung papaano ito lalabanan.

Pinangunahan nina Atty. Jules Matibag at Atty. Chyt Daytec ng National Union of People's Lawyers (NUPL) ang paglulunsad kamakailan nang kampanyang "Stop Impunity: Prosecute Human Rights Violators" noong Agosto 27. Layunin ng kampanyang mangalap ng malawak na suporta o <i>network</i> mula sa hanay ng akademya, simbahan, midya, at iba't ibang organisasyon sa lokal at internasyunal na antas, para sa prosekusyon, paglilitis at pagpaparusa sa mga salarin ng paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)
Pinangunahan ng mga abogadong sina Jules Matibag at Cheryl Daytec ng National Union of People's Lawyers (NUPL) ang paglulunsad kamakailan ng kampanyang "Stop Impunity: Prosecute Human Rights Violators" noong Enero 27. Layunin ng kampanyang mangalap ng malawak na suporta o network mula sa hanay ng akademya, simbahan, midya, at iba't ibang organisasyon sa lokal at internasyunal na antas, para sa prosekusyon, paglilitis at pagpaparusa sa mga salarin ng paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)
"Mula 2001 hanggang 2010, umabot sa 1,205 ang mga biktima ng extra-judicial killings at 206 ang mga biktima ng sapilitang pagkawala," ani Atty. Edre Olalia, pangkalahatang kalihim ng NUPL. Ayon kay Olalia, maliit na porsiyento (1.05%) lamang ang nalulutas sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. "Apat na kaso lamang ang mayroon court convictions, ang kaso nina Jose Doton, Baron Cervantes, Armando Pace at Marlene Esperat," aniya. Kailangan umanong palakasin ang adbokasiya laban sa paglabag sa karapatang pantao, ganundin ang pagpaparusa sa mga salarin. (Macky Macaspac)
"Mula 2001 hanggang 2010, umabot sa 1,205 ang mga biktima ng extra-judicial killings at 206 ang mga biktima ng sapilitang pagkawala," ani Edre Olalia, abogado at pangkalahatang kalihim ng NUPL. Aniya, maliit na porsiyento (1.05%) lamang ang nalulutas sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. "Apat na kaso lamang ang mayroong court convictions: ang kaso nina Jose Doton, Baron Cervantes, Armando Pace at Marlene Esperat," aniya. Kailangan umanong palakasin ang adbokasiya laban sa paglabag sa karapatang pantao, ganundin ang pagpaparusa sa mga salarin. (Macky Macaspac)
Nagbigay ng todo-suporta sa kampanya ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Atty. Roan Libarios, sa kampanya ng NUPL. Hihikayatin umano niya ang lahat ng mga tsapter ng IBP sa kapuluan na ipalaganap ang kampanya at tumulong sa mga ligal na serbisyo para sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao. (Macky Macaspac)
Nagbigay ng todo-suporta sa kampanya ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng abogadong si Roan Libarios, sa kampanya ng NUPL. Hihikayatin umano niya ang lahat ng mga tsapter ng IBP sa kapuluan na ipalaganap ang kampanya at tumulong sa mga legal na serbisyo para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)
Makapangyarihan ang larawan sa pagmumulat ng madla. Kaya naman para sa kampanya kontra sa "impunity" (o kawalan ng pananagutan ng mga nagsasagawa ng paglabag sa karapatang pantao), naglunsad ng kompetisyon ang NUPL sa mga litratista para magsumite ng mga larawang maglalarawan kung papaano dapat labanan ang "impunity." Pinamagatang "Shoot Photo Contest," nagwagi sa naturang kompetisyon ang punong patnugot ng Pinoy Weekly(/i) na si Kenneth Guda. (Macky Macaspac)
Makapangyarihan ang larawan sa pagmumulat ng madla. Kaya naman para sa kampanya kontra sa "impunity" (o kawalan ng pananagutan ng mga nagsasagawa ng paglabag sa karapatang pantao), naglunsad ng kompetisyon ang NUPL sa mga litratista para magsumite ng mga larawang magpapamalas kung papaano dapat labanan ang "impunity." Pinamagatang "Shoot Photo Contest," nagwagi sa naturang kompetisyon ang punong patnugot ng Pinoy Weekly na si Kenneth Guda (Kanan). Nasa larawan din sina Atty. Olalia at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. (Macky Macaspac)
Pinamagatang "Act of Defiance," kinuha ni Guda ang imaheng ito sa pinakaunang kilos-protesta laban sa polisiyang calibrated preemptive response ni Pangulong Arroyo na nagbabawal sa sinuman na magprotesta nang walang permiso sa kanyang gobyerno. Sinabi ni Guda na ipinakita ng imahen ang paraan ng pagtutol sa polisiya ng panunupil: Ang paglahok sa mga pagkilos ng masa para igiit ang kanilang mga karapatan sa kabila ng banta ng pandarahas. Kabilang sa mga hukom ng kompetisyon sina Edith Burgos ng Desaparecidos, Atty. Charlie Yu, Atty. Greg Fabros at beteranong litratista ng Associated Press na si Bullit Marquez.
Pinamagatang "Act of Defiance," kinuha ni Guda ang imaheng ito sa pinakaunang kilos-protesta noong 2006 laban sa polisiyang calibrated preemptive response ni Pangulong Arroyo na nagbabawal sa sinuman na magprotesta nang walang permiso sa kanyang gobyerno. Sinabi ni Guda na ipinakita ng imahen ang paraan ng pagtutol sa polisiya ng panunupil: Ang paglahok sa mga pagkilos ng masa para igiit ang kanilang mga karapatan sa kabila ng banta ng pandarahas. Kabilang sa mga hukom ng kompetisyon sina Edith Burgos ng Desaparecidos, Atty. Charlie Yu, Atty. Greg Fabros at beteranong litratista ng Associated Press na si Bullit Marquez.