Main Story

Puhunan sa pag-aaral 

Bagama't may katotohonang malaki ang problema sa kalidad ng edukasyon sa bansa, ang isang hindi maitatangging realidad, nananatiling mailap ang edukasyon para sa mga hindi kayang magbayad.

Tutok sa tindig ng 57 milyon

Makasaysayang pinakamataas na voter turnout para sa midterm elections ang naitala ngayong 2025. May 57 milyong Pilipino o higit 82% ng rehistradong botante ang nakilahok sa halalan at karapatan nilang maprotektahan ang kanilang boto.

Paggunita at pagpiglas ng Kaigorotan

Itinampok sa pagdiriwang ng ika-41 People’s Cordillera Day ang nagpapatuloy na pakikibaka ng Kaigorotan laban sa mapangwasak na proyektong pang-enerhiya, mina at paglabag sa kanilang mga karapatan.

Katapat ng numero ang danas ng Pilipino

Kung datos lang ng gobyerno ang batayan, buo na ang imahen—ang mito—ng masiglang ekonomiya at umaasensong mga Pilipino. Pero may hindi matago-tagong kuwento ang administrasyon: nasa laylayan pa rin ang karaniwang manggagawa.

Paglaban at paghilom sa gitna ng atake

Sa harap ng tumitinding pambu-bully at harassment sa social media, patuloy na lumalaban ang mga naulila ng mga biktima ng giyera kontra droga ni Rodrigo Duterte para sa katarungan at paghilom.

‘Atin ang kinse kilometro’

Nanganganib na mawalan ng ikabubuhay ang mga maliliit na mangingisda sa Perez, Quezon dahil sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa komersiyal na pangingisda sa 15 kilometrong dagat munisipal na matagal na ipinaglaban ng lokal na komunidad.

Duterte, kalaboso sa ICC

Nakakulong na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Detention Centre sa The Netherlands. Sinimulan na rin ang proseso ng pagdinig sa kaso niyang mga krimen laban sa sangkatauhan. Patuloy naman ang pagkilos ng mamamayan para tuluyan siyang panagutin.