Muog laban sa dambuhalang dam
Itinatayo sa Pakil, Laguna ang isang dambuhalang dam sa ngalan ng "kaunlaran." Ngunit para sa mga residente, malabo ang pag-unlad kung nagsisilbing malaking banta ang proyekto sa kanilang kultura, kaligtasan at kabuhayan.