Avatar

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Judilyn ng Morong 43, sanggol niya ibinalik sa piitan

Nagsagawa ng noise barrage ang tinaguriang “Morong 43” sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig bilang protesta sa paglipat kay Judilyn Oliveros mula sa Philippine General  Hospital (PGH) pabalik sa naturang piitan. Kapapanganak pa lamang ni Judilyn ng kanyang sanggol nitong Hulyo. Isa si Judilyn sa 43 manggagawang pangkalusugan na ilegal umanong inaresto ng mga […]

Pagpapalaya kay Judilyn, sanggol hinaharang

Noong komisyoner ng CHR si Leila de Lima, nasaksihan niya ang mga testamento ng paglabag sa karapatan ng Morong 43. Ngayong sekretaryo na ng DOJ, inutusan niya ang isang tagausig na huwag nang tutulan ang mosyon sa korte na mapalaya sa isa sa detinidong health workers at kanyang bagong panganak na sanggol. Pero tutol ang tagausig.

Pagpapalaya sa kapapanganak na inang isa sa Morong 43, iginiit ng Gabriela

Nagpiket ang Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan, sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) kamakailan upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa batayang humanitarian kay Judilyn Oliveros, isa sa 43 health workers na ilegal umanong inaresto sa Morong, Rizal noong Pebrero. Kasalukuyang nasa PGH si Oliveros matapos itong manganak noong Hulyo 22 sa pamamagitan ng ceasarian […]

Ika-25 anibersaryo ng KMP, ginunita

Sa gitna ng malakas na ulan at paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ginunita noong Hulyo 24 ang ika-25 anibersaryo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang pinakamalawak na pambansang organisasyon ng mga magsasaka. Pansamantalang itinigil ng mga magsasaka ang kanilang hunger strike sa kampuhan […]

Kailan sila magkakaroon ng disenteng pabahay?

Hindi negosyo ang pabahay; karapatang pantao ito ng mga maralita. Isang disenteng pabahay na malapit sa maaaring pagkukunan ng kabuhayan ang makatarungang hiling nila. Ang tanong: May sapat na puso at paninindigan ba si Bise-Pres. at HUDCC Chair Jejomar Binay para tugunan ito?

(Update) Cafgu na menor-de-edad, nabawi mula sa kustodiya ng AFP

Nabawi nang muli mula sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Juvi Latiban, menor-de-edad na kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o Cafgu. Ito ay matapos maalarma ang mga grupong nagsusulong ng karapatang pambata sa muling pagkustodiya ng militar sa bata na pinalaya ng New People’s Army (NPA) noong Hulyo 16 […]