Larawan: Petron, muling piniket ng KMU para ikondena P9 overpricing sa langis
Piniket ng militanteng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang tanggapan ng San Miguel Corporation ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. na siyang mayoryang may-ari na ng Petron Corporation. Ipinrotesta ng KMU ang anila’y di bababa sa P9 na overpricing sa langis. Petron ang nangungunang korporasyon ng langis sa bansa na may pinakamalaking kita mula sa “overpricing,” ayon sa KMU. (Macky Macaspac)

