P13.50 dagdag-sahod kakapiranggot – KMU


“Hindi makakaginhawa sa mga manggagawa ang P13.50 dagdag-sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng batayang bilihin at serbisyo laluna ang langis,” reaksiyon ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno sa pahayag ng Employers Confedeartion of the Philippines (ECOP) na P13.50 lamang ang kayang ibigay ng mga ito sa hiling na dagdag sahod ng mga manggagawa.

Patuloy na ipinagkakait sa mga manggagawa sa pampribadong sektor ang hinihiling nilang P125 across-the-board na dagdag-sahod. (KR Guda)
Patuloy na ipinagkakait sa mga manggagawa sa pampribadong sektor ang hinihiling nilang P125 across-the-board na dagdag-sahod. (KR Guda)

“Hindi makakaginhawa sa mga manggagawa ang P13.50 dagdag-sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng batayang mga bilihin at serbisyo laluna ng langis,” reaksiyon ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno  sa pahayag ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na P13.50 lamang ang kayang ibigay ng mga ito sa hiling na dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Kinondena ng KMU ang ECOP sa pagpanukala ng “kakapiranggot” na halagang ito.

Sinabi ng ECOP na hindi umano kayang ibigay ng mga employer ang panukalang P125 dagdag-sahod. Kabilang sa mga idinadahilan nila ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

“Kahit may pagtaas sa presyo ng langis, kumita pa rin ng sapat-sapat na tubo ang mga kapitalista sa nagdaang mga taon,” aniya. Ayon sa Ibon Foundation, umaabot lamang sa 15 porsiyento ng tubo ng mga manggagawa ang mawawala kung ibibigay sa mga manggagawa ang P125 dagdag-sahod.

Sinabi ni Soluta na sa halip na tutulan ang makabuluhang dagdag-sahod, makiisa ang ECOP sa panawagan nila para kontrolin ng gobyerno ang presyo ng langis.

“Ngayon na umamin ang mga employer na masakit na rin sa kanila ang mataas na presyo ng langis, dapat silang sumama sa amin upang labanan ang mga pagtaas na ito at tigilan na nila ang pambabarat sa sahod ng mga manggagawa,” sabi pa ni Labog.

Binatikos din ng KMU ang paggamit ng ECOP sa 400 kompanyang Hapon sa Timog Katagalugan na diumano’y nagtatanggal ng mga manggagawa. Ayon sa ECOP, larawan umano ito ng hirap na kalagayan ng mga kapitalista.

Ayon sa KMU, namomroblema ang mga kompanyang Hapones dahil sa epekto sa kanila ng sunud-sunod na trahedya sa kanilang bansa, hindi dahil sa mataas na sahod na tinatanggap ng mga manggagawang Pilipino.

“Kinonkondena namin ang ECOP sa pagsasamantala nito sa kalagayan ng mga kompanyang Hapones upang patuloy na i-blackmail ang mga manggagawa na tanggapin ang kasalukuyang pashod,” ani Labog.

Idinagdag pa ni Labog na ang kalagayan ng mga kompanyang Hapones ay taliwas umano sa kabuuang malusog na kalagayang ng malalaking kapitalista.