Delegado ng ILPS, hinggil sa protesta sa Greece kontra austerity measures
Paglaban ng mga mamamayan ng Greece laban sa austerity measures
Panayam ng Pinoy Weekly kay Nikos Noulos, aktibista at miyembro ng Union of Working People sa Greece, hinggil sa kilusang protesta sa Greece laban sa mga hakbang ng gobyerno rito para kaltasan ang badyet para sa mga serbsiyong panlipunan. Sunud-sunod ang mga protesta mula Hunyo 2011 matapos ianunsiyo ng gobyerno ni Pres. George Papandreou ang mga budget cut bilang bahagi ng austerity measures na kondisyon ng European Union at International Monetary Fund para makautang ito ng €110 Bilyon na sasalba umano sa ekonomiya ng bansa pero pakikinabangan ng malalaking bangko rito.