Balita

Sarbey sa makakalikasang kandidato, ibinunyag

Ibinunyag ng isang alyansa ng mga grupong makakalikasan kung sino sa mga kumakandidato sa eleksiyong 2010 ang may malasakit sa kalikasan, at kung sino ang wala. Ayon sa Lyfe (League of the Youth for the Environment), na nakabase sa Unibersidad ng Pilipinas, isinagawa nila ang sarbey at background check na “Environment Vote 2010” para matulungan […]

‘Gloria lampas 2010’, tututulan sa Marso 26 martsa

“Panawagan namin sa mga mamamayan: huwag lang bantayan ang ating boto. Bantayan natin ang mga pihit ng sitwasyon sa eleksiyon at ang mga hakbangin ni Ginang Arroyo.” Ito ang pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa isang press conference kamakailan kung saan inanunsiyo ng iba’t ibang grupo ang isang malakihang martsa […]

Pekeng party-list ng administrasyon, inireklamo sa Comelec

Pormal nang inireklamo sa Comelec (Commission on Elections) ng grupong Kontra Daya ang diumano’y pekeng mga party-list na ipinatatakbo ng administrasyong Arroyo, kabilang ang mga party-list na magpapatakbo sa anak ng Pangulo na si Rep. Mikey Arroyo, kalihim ng Department of Energy na si Angelo Reyes, at isang kamag-anak ng pamilya Ampatuan. Sa isang sulat […]

Paglustay ng pondo hinihinala sa maling tugon sa krisis sa enerhiya

Kinuwestiyon ng grupong Agham (Samahan ng Nagtataguyod ng Agham at Teknolohiya para sa Sambayanan) ang mga panukala ng mga opisyal ng gobyerno para tugunan ang krisis sa enerhiya sa Mindanao, na nagtulak kay Pangulong Arroyo kamakailan na magdeklara ng state of calamity. Ayon kay Engr. Archie Orillosa ng Agham, hindi solusyon ang paglaan ng P10-Bilyon […]

Sa posibleng outsourcing ng pag-iimprenta ng balota, dayaan pinangangambahan

Pinangangambahan ni Rep. Satur Ocampo at grupong Courage (Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees) ang dayaan sa darating na halalan dahil sa posibleng outsourcing sa pag-iimprenta ng mga balota. Ito ay matapos itaas ng National Printing Office (NPO) ang alarma dahil sa kakapusan ng kanilang kakayahan na abutin ang target na […]

Magsasaka tutol sa pagkopo ni Danding sa MRT7

Nagprotesta ang mga magsasaka sa harap ng punong tanggapan ng San Miguel Inc. sa Ortigas, Pasig City noong Marso 12 para irehistro ang kanilang pagtutol sa pagkopo ni Eduardo “Danding” Cojuangco sa proyektong MRT7. Ayon sa mga magsasaka mula sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan, magdudulot ng pagpapalayas mula sa kanilang lupa ang […]

Video: Libu-libong kababaihan nagmartsa kontra-Arroyo, sa sentenaryo ng Marso 8

Tinatayang 10,000 kababaihan, sa pangunguna ng grupong Gabriela, ang nagmartsa sa patungong Mendiola noong Marso 8, sentenaryo ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Nangako silang lalabanan ang pakana diumano ni Pangulong Arroyo na manatili sa poder lampas sa Mayo, at singilin ang pangulo sa umano’y mga krimen nito sa kababaihan at sa mga mamamayan.

Sentenaryo ng Marso 8, ipagdiriwang sa protesta kontra Arroyo

Ipagdiriwang bukas ng Gabriela, pambansang alyansa ng mga grupong pangkababaihan, ang sentenaryo ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, sa isang kilos-protesta at martsa patungong Mendiola na inaasahang dadaluhan ng 10,000 katao. Ayon sa Gabriela, “makasaysayan” ang paggunita sa araw na idineklara 100 taon na ang nakakaraan ng 1910 First Socialist International Conference sa Copenhagen, […]