Lider-manggagawa, magsasaka pinaslang sa magkahiwalay na probinsiya
Dalawang militanteng lider ang magkasunod na pinaslang ng hindi pa nakilalang mga salarin sa lalawigan ng Cavite at Isabela.
Dalawang militanteng lider ang magkasunod na pinaslang ng hindi pa nakilalang mga salarin sa lalawigan ng Cavite at Isabela.
Tutol ang mga magsasaka sa Gitnang Luzon sa planong US-PH Balikatan exercises na nakatakdang gawin sa Abril 15. Inaasahang 6,000 tropang Amerikano ang lalahok sa naturang ehersisyo. Ayon kay Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), wawasakin ng naturang ehersisyo ang pang-araw-araw na trabaho ng mga magsasaka, mangingisda at mga […]
Dahil sa banta ng pagdating ng malalakas na alon sa Pilipinas mula sa karagatan matapos ang 8.9 magnitude na lindol sa bansang Japan, ipinayo ng Philippine Institute for Vulcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga lugar na karatig ng Pacific Ocean na maghanda. Kung kailanga'y mag-evacuate din sila.
Muling binalikan ng kaanak ng mga manggagawa ng Eton ang gusaling kinamatayan ng mga ito sa Greenbelt, Makati City. Labing-isang kandila ang kanilang itinirik sa harapan ng hindi pa tapos na gusaling pag-aari ng Eton Properties ni Lucio Tan. Hanap ng kaanak ang kapayapaan ng mga kaluluwa ng sampung namatay at isang sugatan sa trahedya. […]
Isang pambansang relief and medical mission ang nakatakdang ilunsad ng iba't ibang organisasyon at indibwal sa ika-10 hanggang 15 ng Marso sa bayan ng Matuguinao, Western Samar para umayuda sa mga mamamayan doong apektado ng bagyo, sakuna at militarisasyon.
Sa pagsiwalat sa kalagayan ng mga Pinoy sa Libya at kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa aktuwal na repatriation nila, nasisiwalat din ng Gabriela at Migrante ang polisiya ng gobyernong Aquino na nagtutulak sa mga migranteng mangibang bansa sa kabila ng mga panganib.
Naglunsad ng serye ng street play ang mga batang kasapi ng Children's Collective sa ilalim ng Salinlahi Alliance for Childrens’ Concerns bilang paghamon kay Pang. Benigno Aquino III na tugunan ang kanilang mga karaingan.
Nagmartsa sa Mendiola Bridge sa tapat ng Malakanyang ang mga lolang tinaguriang "comfort women" na biktima ng pandarahas noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan dahil sa kawalan umano ng aksiyon ng administrasyong Aquino sa paghangad nila ng hustisya sa gobyernong Hapon. (Macky Macaspac)
Magtitipun-tipon sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ang mga babae para igiit kay Pang. Benigno Aquino III ang kagyat na aksiyon sa sumisirit na presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo. Sa isang press conference kahapon, inanunsiyo ng mga lider ng Gabriela at iba pang organisasyon na tinatayang sampung libong katao ang magmamartsa sa lansangan patungong […]