Balita

Pagtutol sa taas-matrikula ipinagpatuloy ng mga estudyante

Muling tumungo sa Mendiola Bridge sa harap ng Malakanyang ang mga estudyante at kabataan mula sa iba't ibang paning ng Metro Manila upang ihayag ang pagtutol sa pagtaas sa matrikula at iba pang mga bayarin sa mga pamantasan at paaralan, maging ang pagtaas na rin ng iba pang bilihin, at pasahe sa pampublikong transportasyon.

Makasaysayang lupa sa Pangasinan, kinakamkam ng mga Cojuangco?

Inaangkin umano ng Central Azucarera de Tarlac Realty Corporation (CAT), kompanyang kontrolado ng mga Cojuangco ang 386.8-ektaryang lupang agrikultural at residensiyal sa Bayambang, Pangasinan, na siyang kinalalagyan din ng 289-ektaryang Camp Gregg Military Reservation, ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL). Naghahanda naman ang AMGL na mangampanya sa napipintong pangangamkam ng mga […]

Magsasaka sa Albay dinukot, apat na lider militante sa Camarines Sur pinalaya

Dinukot umano ng hindi nakilalang apat na kalalakihan ang isang magsasaka sa Brgy.3, Malilipot, Albay noong Pebrero 25. Inihayag ng Karapatan Bikol, na ang biktimang si Rodel Estrellado, 34 anyos, ay pauwi galing sa palengke nang sapilitang isakay sa isang kulay grey na kotse na may plakang MXN-902. Sinabi ni Vince Casillihan, tagapagsalita ng Karapatan-Bikol, […]

Magsasaka ng Hacienda Luisita, muling pinresyur ang Korte Suprema

Nagtungo ngayong araw sa harap ng Korte Suprema ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita para muling igiit ang pagbabasura sa Stock Distribution Option (SDO) at pamamahagi ng lupain sa 6,453-ektaryang asyenda ng pamilya Cojuangco-Aquino. Ilang araw bago ang selebrasyon ng anibersaryo ng unang People Power, binatikos din ng mga magsasaka ang umano’y pagtatangka ni Pang. […]

Matagal na detinidong pulitikal sa Mindanao na si Angie Ipong, lumaya na

Lumaya na si Angelina Bisuna Ipong, detindiong pulitikal na nakapiit sa Oroquieta City, Misamis Occidental, ayon kay Fr. Dionito Cabillas ng Samahan ng mga Ex-Detainee laban sa Detensyon at Aresto (Selda). “Alas-10 ng gabi (ng Pebrero 17), nagpadala ng mensahe si Bishop Rhee Timbang ng IFI (Iglesia Filipina Independiente) sa Surigao na si Angie ay […]