Balita

Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]

Nominado ng Kabataan Party-list, hinaras ng pulis na tagasuporta ng ANAD

Kinondena ni Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino ang pananakit diumano ni Police Supt. Ariel Palcuto, anak ng kandidato sa pagka-bise-alkalde ng Cebu City na si Rico Palcuto, sa ikaapat na nominado ng Kabataan na si Renil Oliva at kasamahan niya. Naganap diumano ang insidente noong Abril 10 sa Cebu Country Club sa Banilad, Cebu City […]

Militar nahuling nangangampanya vs progresibong party-list

Davao City–Nahuli ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang 69th Infantry Batallion na nangangampanya laban sa progresibong mga party-list sa loob ng Philippine College of Technology noong Abril 6. Nasaksihan mismo ni John Birondo, tagapagsalita ng Bayan-Southern Mindanao Region, ang porum kung saan isang sundalong may apelyidong Santiago ang nanghimok sa mga estudyante […]

Dagdag-sahod, itinutulak na pangontra sa pagtaas ng presyo at tagtuyot

Kailangan ang makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa para makontra ang epekto ng matinding tagtuyot at sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo, giit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list. Nagsagawa ang mga grupo ng rali sa Mendiola noong Abril 9 para tuligsain ang umano’y kawalang-aksiyon ng gobyernong Arroyo sa matagal nang panawagan ng mga […]

Video: Mamamayan pinaghahanda sa failure of elections at pag-aalsang bayan

Sa “Martsa ng Maralita” noong Marso 26, ipinakita ng mga maralitang lungsod at iba pang grupo ang kanilang disgusto sa umano’y siyam-na-taong “kalbaryo” sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Arroyo. Ipinaliwanag ni Renato Reyes Jr., convenor ng Kontra Daya, ang posibleng senaryong failure of elections at no proclamation. Hinikayat niya ang mga mamamayan na maging […]

5 detenidong estudyante ng PUP, umani ng suporta

Umani ng suporta ang limang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na patuloy na naka-detine sa Manila Police District kaugnay ng “pagnanakaw” diumano ng mga silya bilang protesta sa 1,700 porsiyentong pagtaas ng singil sa matrikula sa unibersidad. Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, malinaw na porma ng “panghaharas” ng administrasyon ng PUP […]

Tortyur ng militar sa menor-de-edad, kinondena

Kinondena ng Kabiba Alliance for Children’s Concerns ang pinakahuling kaso ng umano’y paglabag sa karapatang pantao ng mga menor-de-edad na binansagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang “child soldier” ng New People’s Army (NPA). Ayon sa grupo, inaresto noong Marso 7 sa Monkayo, Compostela Valley at dinetine nang mahigit 36 oras ang 13 […]