Larawan: Sen. Bong Revilla, nagpakita ng suporta sa hiling na P125 dagdag-sahod

June 14, 2011

Ipinakita ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang suporta niya sa panukalang P125 makabuluhang dagdag-sahod na ikinakampanya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para maisabatas. Kasama ni Revilla sa larawan ang mga lider-obrero ng KMU na bumisita sa kanya. Nagsumite sa Senado si Revilla ng counterpart bill ng panukalang batas para sa dagdag-sahod na isinumite sa Kamara ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano at sinuportahan ng mga progresibong mambabatas at iba pang kongresista. Nababalita ang pagsuporta rin ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa P125 dagdag-sahod. (Arnold Reign Solaon/Kontribusyon)