Larawan: Kababaihan nagprotesta vs taas-presyo ng langis

July 13, 2011

Nilusob ng grupong Gabriela ang tanggapan ng Shell sa Makati upang iprotesta ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Kanilang binato ng bulok na kamatis ang imahe ni Pangulong Aquino na ayon sa kanila'y nagkakanlong sa interes ng mga malalaking kompanya ng langis. (Macky Macaspac)

Ayon sa mga nagprotestang kababaihan, bilang mga konsyumer at tagapagsiguro ng pang-araw araw na kapakanan ng pamilya, ramdam na ramdam umano ng mga kababaihan ang mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihing bunsod ng oil price hikes. (Macky Macaspac)

Kinalampag rin ng mga kababaihan ang mga pinggan, simbolo umano ng tumitinding kahirapan dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Muli umano silang mangangalampag sa ikalawang SONA ni Pangulong Aquino. (Macky Macaspac)