Batang kampeon ng karapatang pantao, muling lalahok sa Walk of the World
Muling lalahok sa Walk of the World ang batang si Kyle Baleva, 14 na taong gulang na anak ng isang political refugee sa The Netherlands. Ito ang ikatlong pagkakataong paglahok niya sa naturang walkaton. Gaganapin ang pandaigdigang walkathon (95th International Four-Day Marches) sa Nijmegen, The Netherlands sa Hulyo 19-22. Tinatayang aabot sa 45,000 katao ang […]

Muling lalahok sa Walk of the World ang batang si Kyle Baleva, 14 na taong gulang na anak ng isang political refugee sa The Netherlands. Ito ang ikatlong pagkakataong paglahok niya sa naturang walkaton.
Gaganapin ang pandaigdigang walkathon (95th International Four-Day Marches) sa Nijmegen, The Netherlands sa Hulyo 19-22. Tinatayang aabot sa 45,000 katao ang lalahok sa 120 kilometrong walkathon sa loob ng apat na araw.
Sa event page sa Facebook na nilikha ng kanyang amang si Boyen Baleva, ang paglahok ni Kyle ay may layuning makalikom ng pondo para sa mga batang Pilipino na naulila dahil sa paglabag sa karapatang pantao. Mapupunta umano ang pondong kanyang malilikom sa proyektong “A Hand for an Orphan” ng Children’s Rehabilitation Center (CRC).
Sinabi naman ni Jacquiline Ruiz, excutive director ng CRC na malaki umano ang pasasalamat ng CRC sa adbokasiya ni Kyle at sa pagtulong nito sa mga batang biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
“Una, nagpapasalamat kami sa effort ni Kyle upang makatulong sa mga batang ulila,” aniya.
Sinabi pa ni Ruiz na ang muling paglahok ni Kyle sa Walk Of The World ay inspirasyon ng mga tagataguyod sa karapatan ng mga bata, at nagsisilbing pamamaraan upang diumano’y mailantad at malabanan ang patuloy na paglabag sa karapatan ng mga bata.
“Nagsisilbi rin ito upang patuloy na expose ang patuoy na paglabag sa karapatan ng mga bata. Ang kanyang pagtakbo ay nangangahulugan din na kabahagi ang mga bata sa laban ng mga mamamayan laban sa pang-aapi at pagsasamantala. Maging isang ehemplo sana ito sa lahat maging sa mga bata,” ani Ruiz.
Para sa anumang suporta: