Larawan: Protesta sa Palasyo, ‘patikim lamang’ ng galit ng obrero sa Mayo Uno

Ginulat ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU at Anakpawis Party-list ang mga pulis na nagbabantay sa Palasyo Malakanyang nang biglang makalapit sila sa Gate 7 para iprotesta ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa panukala ng mga militante para sa “makabuluhang dagdag-sahod” at pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at langis. (Alvin Joseph Tenedero)

Ginulat ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU at Anakpawis Party-list ang mga pulis na nagbabantay sa Palasyo Malakanyang nang biglang makalapit sila sa Gate 7 para iprotesta ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa panukala ng mga militante para sa "makabuluhang dagdag-sahod" at pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at langis. (Alvin Joseph Tenedero)

Nagawa ng mga demonstrador na maglagay ng ribbon sa Gate 7 bilang protesta sa tindig ni Aquino laban sa P125 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at P6,000 dagdag sa minimum pay ng mga kawani sa gobyerno. (Alvin Joseph Tenedero)

Sinikap ng mga pulis sa Malakanyang na puwersahang itaboy ang mga militante ngunit naggiit ang huli sa kanilang pagprotesta. Ayon sa KMU, "patikim" pa lamang ito ng galit ng mga mamamayan na bubulwak umano sa Araw ng Paggawa, Mayo 1. (Alvin Joseph Tenedero)