Avatar

Alvin Joseph Tenedero

Larawan: Pagdating ng USS Carl Vinson, barkong pandigma ng US, ipinrotesta

Pinangunahan ng mga Bagong Alyansang Makabayan sa National Capital Region o Bayan-NCR at International League of Peoples' Struggle o ILPS ang isang kilos-protesta sa Kalaw Avenue malapit sa embahada ng US sa Maynila. Ito ay upang ipahayag ang pagtutol sa pagdaong sa karagatan ng Pilipinas ng US aircraft carrier na USS Carl Vinson. Ito ang tinaguriang "death ship" ni Osama bin Laden. (Alvin Joseph Tenedero)

Larawan: Protesta sa Palasyo, ‘patikim lamang’ ng galit ng obrero sa Mayo Uno

Ginulat ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU at Anakpawis Party-list ang mga pulis na nagbabantay sa Palasyo Malakanyang nang biglang makalapit sila sa Gate 7 para iprotesta ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa panukala ng mga militante para sa "makabuluhang dagdag-sahod" at pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at langis. (Alvin Joseph Tenedero)

Larawan: ‘Patung-patong na pahirap’ ni P-Noy, binatikos ng kabataan

'PPP.' Para sa mga kabataan, patung-patong na pasanin umano ang pagtaas ng presyo ng langis, mga bilihin, pamasahe at matrikula, sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Para sa kanila, ibayong paghihirap ang dulot ng mga polisiya ni P-Noy, kabilang ang "public-private partnerships" na anila'y ibayong pagsasapribado sa mga serbisyong pampubliko. Pinangunahan ng Anakbayan, League of Filipino Students, Kabataan Party-list, at iba pa, ang martsa ng mga kabataang ito mula UST patungong Mendiola para iprotesta ang "PPP" ng kasalukuyang gobyerno. (Alvin Joseph Tenedero)