DOTC sinugod ng mga kabataang kontra sa pagtataas ng pasahe sa MRT/LRT

February 27, 2011

Sinugo ng kabataan mula sa iba't ibang pamantasan at komunidad ang tanggapan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa bisperas ng paggunita ng EDSA People Power, upang ipahayag ang mariing pagtutol ng sektor ng kabataan sa nilulutong pagtataas ng pasahe sa MRT/LRT. (Alvin Tenedero)

Sinugo ng kabataan mula sa iba't ibang pamantasan at komunidad ang tanggapan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa bisperas ng paggunita ng EDSA People Power, upang ipahayag ang mariing pagtutol ng sektor ng kabataan sa nilulutong pagtataas ng pasahe sa MRT/LRT. (Alvin Joseph Tenedero)

Plano ng pamunuan ng LRT/MRT na maglabas ng memorandum sa pagsisimula ng buwan ng Marso na itutuloy ang pagdadagdag ng presyo sa pamasahe sa tren. Para sa mga grup ng kabataan, pagpapakita lamang ito na hindi prayoridad ng Administrasyong Aquino ang kapakanan ng mga simpleng mamamayan, partikular sa mga kabataang mag-aaral, at pinapatunayan ito ng pagdadagdag ng panibagong pasanin sa mamamayan. (Alvin Tenedero)

Plano ng pamunuan ng LRT/MRT na maglabas ng memorandum sa pagsisimula ng buwan ng Marso na itutuloy ang pagdadagdag ng presyo sa pamasahe sa tren. Para sa mga grup ng kabataan, pagpapakita lamang ito na hindi prayoridad ng Administrasyong Aquino ang kapakanan ng mga simpleng mamamayan, partikular sa mga kabataang mag-aaral, at pinapatunayan ito ng pagdadagdag ng panibagong pasanin sa mamamayan. (Alvin Joseph Tenedero)