Mga Larawan: Kabataan kontra oil price hikes, dinispers sa Shell sa Makati


Makati City--Nagtungo kahapon ang mga kabataan mula sa League of Filipino Students sa mga tanggapan ng tatlong malalaking kumpanya ng langis na Shell, Chevron, at Petron para kondenahin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at oil overpricing sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. (Alvin Joseph Tenedero)
Mga kabataang nakahilera sa gasolinahan ng Petron: Inutil ang gobyernong Aquino dahil sa kabiguan nitong kontrolin ang presyo ng langis. Ayon sa mga pag-aaral, overpriced ng P7 kada litro ang lokal na presyo ng mga produktong petrolyo. (Alvin Joseph Tenedero)
Sa tanggapan naman ng Shell, binomba ng tubig ang mga nagpoprotestang kabataan. (Alvin Joseph Tenedero)
Mga miyembro ng LFS pagkatapos ng dispersal. Ayon kay Terry Ridon, tagapangulo ng grupo (gitna), ipinapakita ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis na kontrolado ng dayuhang mga monopolyong kapitalista ang buhay ng mahihirap na Pilipino. (Alvin Joseph Tenedero)