Naglunsad ng isang noise barrage noong Oktubre 23 ang grupong Piston (Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) sa Cubao, Quezon City bilang protesta sa pagtaas ng presyo ng langis, kung saan P2 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel. "Sa panahong wala pa ring tahanan at trabaho ang libu-libong Pilipino, nakamamatay gaya ng mga bagyo ang panibagong oil price hike," sabi ni George San Mateo, pangkalahatang kalihim ng Piston. (Angelica Carballo)Samantala, sa araw ding iyon, sinugod ng mga grupong kabataan ang opisina ng Petron sa Makati City para kondenahin ang umano'y pagkaganid ng malalaking kompanya ng langis at ang pagpapabaya dito ng gobyernong Arroyo. "Pinagsasamantalahan pa ng mga kompanya ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa bagyo. Alam nilang inelastic goods ang mga produktong petrolyo at na bibilihin at bibilhin ito kahit mataas ang presyo," sabi ni Anton Dulce, pangalawang tagapangulo ng Anakbayan. (Karlos Manlupig)
Sa bidyong inilabas sa Facebook ni Stephanie Borinaga, Ene. 30, inilahad niya ang mga pangyayaring naghimok sa kanyang pumunta sa lugar ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro.
Pinahanap at pinadalhan ng memorandum ang 16 lider-estudyante ng Universidad de Manila matapos ang inilunsad na university walkout. Nilabag umano ng mga estudyante ang Student Manual ng pamantasan.
Buong pusong pinili ni Alicia Lucena makilahok sa progresibong mga organisasyon ng kabataan. Hanggang ngayon, pilit na binabaliktad ang kanyang naratibo.