Pinoy Weekly

Ang kuwento ng 2009 NBA Playoffs sa kasalukuyan

west

Karambola sa Western Conference

Nagulat marahil ang iilan sa dagliang pagkalaglag ng San Antonio Spurs sa unang round ng Western Conference. Ang ilang beses na nagkameon na Spurs ay nalaglag sa Dallas Mavericks, number 6 ng Western Conference, 4-1.

Ngunit bumagsak naman ang Mavs sa bagong koponan ni Chauncey Billups. Tila isang milagro na nakaugnay agad si “Mr. Big Shot”, pinangunahan niya kasama ni Carmelo Anthony ang pagdodomina sa New Orleans Hornets sa unang round, at pagtatapos ng maaga sa serye nila kontra sa Dallas.

Masalimuot naman ang kuwento ng Los Angeles sa kasalukuyan. Inaasahan ng marami na ang pagpasok muli ni Andrew Bynum sa lineup ng Lakers ay suwabe nitong malulusutan ang kahit sinong koponan na humarang sa kanila. Ngunit hindi ata ito ang inaasahang kuwento.

Matapos nilang ibasura ang Utah Jazz (kahanga-hanga nga pala ang winning streak ng Jazz noong Pebrero bago ang Playoffs kaya nasungkit nito ang huling puwesto sa Western Conference) ay binigyan sila ng Houston Rockets ng sakit ng ulo – isang game 7. Ito, kahit wala sa lineup ng Rockets si Tracy McGrady (mula pa noong Pebrero) at si Yao Ming noong Game 4 lamang dahil sa mga injury. At oo, dalawang beses pang nakalasap ang Lakers ng paglalampaso sa pangunguna nina Ron Artest at Shane Battier, kasama pa ng ilang pangalang lumulutang.

Maaaring tama ang ilang manlalaro ng Lakers sa kanilang naalala: kinailangan ng Boston ng ilang Game 7 noong nakaraang taon upang mapagwagian ang kampeonato. Kailangan din nila ng ganoong resolba: anila, ito ang marka ng pagiging kampeon. Ngunit bago ito, sariwa naman ang Nuggets kung sino man ang manalo sa dalawa.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=1203

Posted by on May 15 2009. Filed under Sports. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes