NANALO nga si Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa kanilang laban sa US noong nakaraang linggo. Ngunit sa ilang sandali lamang, sinabihan siya diumano na huwag munang umuwi ng bansa. Ang dahilan? Ponangangambahang baka daw magdala siya ng swine flu sa bansa.
Ang swine flu, na nanatili rin sa ulo ng balita sa mga pahayagan bago pa ang pagkapanalo ni Pacquiao, ang kumitil na sa ilang daang buhay lalo na sa bansang Mehiko. Tinatawag rin ito na Influenza A virus subtype H1N1, o tinatawag ring A(H1N1), at madalas na dumarapo sa baboy at mga ibon. Sa bansa, may mangilan-ngilang kaso na ang minamatyagang mabuti ng Departamento ng Pangkalusugan.
Ang kasalukuyang strain ay unang dumapo diumano sa mga baboy hanggang maka-hawa sa mga tao, at ikamatay nito. Patuloy rin ang pagsisiyasat kung anuman at saan man ang pinagmulan ng swine flu; una nang nagpahayag ng teorya ang mga eksperto na nag-evolve na ang strain noon pang nakaraang taon bago ito tuluyang kumalat sa pandemic o malawakan at malakihang proportion.
Ngunit nakakagulat pa rin na ang unang mga sintoma ng sakit ay natagpuan sa mga pasyenteng walang direktang kontak sa mga baboy, lalo na sa ilang mga unang kaso na nakumpirma sa California noong Abril lamang.
Taunan na nagkakaroon ng pagkalat ng sakit na influenza, at napansin na ito ay kumakalat sa panahon ng tag-init. Sanhi ang sakit ng pagkakamatay ng 250,000 hanggang 500,000 katao sa buong mundo taun taon.
Dagdag pa dito na sa kasaysayan, marami nang subtype ng virus ang naka-pinsala at kumitil ng buhay ng maraming tao. Tatlong pinakamalalaki ang Spanish flu noong 1918, ang Asian flu ng 1957 at ang Hong Kong flu mula 1968 hanggang 1969. Matatandaan din na iilang taon lamang ang nakalipas ay nagimbal ang buong mundo sa tinawag na SARS vous, na nagmula naman sa Hong Kong. Iba man ang pinagmulan ng SARS, parehas ang bilis ng pagkalat nito.
Sa kasalukuyan, marami pang strain ng H1N1 virus na nakakasanhi ng mas mahinang sintoma ng influenza. Mahaba pa rin ang panahon na gugugulin upang makahanap ng bakuna laban sa sakit, dahil mabilis nga itong nagbabago.
Bilang paunang pag-iwas sa sakit, rekomendado na ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o maging ng hand-sanitizers. Kung uubo, takpan ng panyo o tissue, at itapon agad ang nagamit na pantakip at maghugas ng kamay. Sa kasalukuyan naman, sinasabing walang malaking ikakatakot na magkasakit kung kakain ng baboy na naluto ng tama.
No related posts.
Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.
It’s alarming to hear lives taken of H1N1 virus. A misconception of h1n1 is that it is directly obtained from pork. Have you read this post about Lechon houses in Philippines? Read it here http://www.filipino-foods.com/filipino-foods/pork-in-philippines-is-as-good-as-ever-despite-flu-scare . Pork is as good as ever despite flu scare.
ANO BA ANG SINTOMAS NG A H1N1 VIRUS
dapat mag ingat tayo ngayon upang makaiwas sa sakit
and somehow we get some ebola viruses on lechon right so lechon are very deadly food on earth right we dont must eat it bec. we dont know whats the pigs eat
dapat lang tau mag ingat kc d rin natin alam mas gumarabe i2 kaya doble ingat din
mag-ingat kayo sa A(H1A1) baka maapektuhan ang paglalabas ng Pinoyweekly. walang gagawa pag nagkasakit.
mabuhay taga pinoy
maghugas ng kamay,,maglagay ng mask para makaiwas sa sakit na iyon..
tama kau mga kpatid ..
kelangan ng k0nting pag-iingat ..
prang may swine flu nah din aquh eh ..hehe
.tamang paghuhugas ng kamay ang kailangan upang maiwasan ang pagkalat o paglaganap ng nasabing virus..
dapat ay pagingatan ang kalusugan.. proper hygiene ang kailangan..
wash hands, eat lots of healthy foods, stay away for those who are sick, use alchocol, use mask..,