Uncategorized

Nagluluksa pa rin ang Pilipinas, lalo na si Gary V., sa kamatayan ni Michael Jackson


NASA Amerika ang tukayo ni Michael Jackson, si Michael Laygo, ang dating pangunahing StarBrigther ni Boy C. de Guia at nagpasikat ng maraming awitin, nagluluksa sa kamatayan ng kanyang idolong si Macko Jacko. Hindi lang sa Estados Unidos nagluluksa ang mga tao sa pagyao ni Jackson kundi kahit dito sa Pilipinas. Ayon nga sa Philippine […]

NASA Amerika ang tukayo ni Michael Jackson, si Michael Laygo, ang dating pangunahing StarBrigther ni Boy C. de Guia at nagpasikat ng maraming awitin, nagluluksa sa kamatayan ng kanyang idolong si Macko Jacko.

Hindi lang sa Estados Unidos nagluluksa ang mga tao sa pagyao ni Jackson kundi kahit dito sa Pilipinas.

Ayon nga sa Philippine Daily Inquirer na lumabas noong ika-28 ng Hunyo, 2009, mula Mexico hanggang France hanggang Peru hanggang sa atin, nalulungkot sa pagpanaw ng King of Pop.

***

Namatay si Michael noong ika-27 ng Hunyo sa Los Angeles nang dahil sa atake sa puso pero nagagalit ang kanyang pamilya ngayon at ipinagpipilitan na gawan muli ng autopsy ang kanilang kaanak para malaman ang tunay na ikinamatay nito.

Gayunman, ang sanhi ng kamatayan ay hindi na ipinagpapabukas pa ng mga nagmamahal sa kanya dahil hindi na nga maibabalik pa ang kanyang buhay subalit sa ngalan ng katarungan ay ipinaiimbestigahan pa ang kaso.

***

Sa Pilipinas, lungkot na lungkot si Gary Valenciano sa kamatayan ni Jacko. Si Jacko na kanyang idolo.

Mula nang mag-strut si Michael, nag-strut na rin si Gary V.

At bagay na bagay naman sa kanya ang panggagaya sa mga kilos at sayaw ng Hollywood superstar.

Ayon kay Valenciano, papunta sila sa Beijing, China nang mabalitaan nila ang malungkot na ulat.

Nang tawagan nga namin si Angeli Pangilinan, ang butihing maybahay ni Gary V. ay nasa China nga anya sila.

Ipina-text niya sa akin ang mga mensahe sa isa niyang cellphone at hindi naglaon ay nagbigay ng pahayag si Gary sa kamatayan ng idolo.

Narito ang text message ni Gary V.: “It is a sad day for the entire world that the greatest performer/artist of our time has passed away. The music industry would have never been with it is today without him. I am totally grieved and there is difficulty in finding the words to say. His music and style transcends generations as seen in the way he influenced even the youngest of artists we see today.

“In some ways it’s like part of me has died, too. He was an inspiration to me. I still wonder if he ever read the letter I wrote him when he performed her. It was the least I could do for all the years he inspired me. Michael Jackson…there simply will never be another quite like him.

“His death is now the biggest event but his music and his life were always about something big. I am thankful that I witnessed him live on stage and that he played his part as he sang and danced his way into my life. I don’t know until when this grieving will settle in all those who have been inspired by him.

“May God bless his family. May God console his children. And may God bless all who hurt at the passing of one who will never be equaled, the only one worthy to ever be called the KING OF POP…but gone too soon…”

***

Pati si Angeli ay nagpahayag ng kanyang saloobin sa trahedya: “He redefined pop music culture in the 80’s. After Sammy Davis, Jr., Michael was the greatest performer alive. Though this gifted genius has he will forever live in our hearts through the music and his magical videos that were unparalleled. The world mourns for a creative artist who gained the world but lost his soul somehow. I am in deep grief.”

Malaki ang utang na loob nina Gary at Angeli sa kasikatan ni Michael dahil nagpatatag ito sa katayuan ni Valenciano sa lokal na industriya ng musika sa Pilipinas.

Michael Jackson of the Philippines ang tawag kay Gary sa larangan ng musika.

At kahit na ang ibang mga artista ay nanggaya kay Jackson.

Hindi nga ba’t maliwanag pa sa sikat ng araw na si Aga Muhlach ay naimpluwensiyahan ng pagsayaw ni Michael kaya ang ipinakita niyang pag-indak sa “Bagets” ay tipikal na Michael Jackson?

***

Ayon kay Cesar Evangelista Buendia, isang independent filmmaker at dating talent manager ng bandang South Border, may duet pa sana sina Michael at Charice Pempengco sa susunod na dalawang linggo kung hindi binawian ng buhay ang Pop King.

May world tour muli si Jackson pagkatapos na siya manahimik sa kanyang musika ng mahaba-haba rin namang panahon.

At dahil nga sikat na sikat din si Charice sa apat na sulok ng mundo, minabuti ng promoter ni Michael na isama ang Filipina singer sa kanyang paglibot sa buong daigdig.

Pero namatay nga si Jacko.

Nanghihinayang si Cesar sa hindi pagkakatuloy ng duweto nina Michael at Charice dahil minsan lang ito sa buhay at ngayon nga ay hindi na magaganap.

***

Pati ang mga alagad ng sining natin sa showbiz ay nagpahayag ng kanilang pagkalungkot kundi man pagtangis sa pagkamatay ni Jacko.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga ito:

“I am saddened by Michael Jackson’s demise. He was a very big part of my teenage years to my late 20s as I used to dance a lot to his music. He’s way ahead of his time. So many self-righteous people have misjudged his very lonely being. I just so admire the man and his music. So inspiring and unifying…definitely NEW THOUGHT!—Bo Cerrudo, ang dating si Bimbo Cerrudo

“Michael Jackson is one of a kind. Napakabait niya at talagang nakapaghihinayang at wala na siyang katulad. Habang buhay ay aalalahanin ko ang mga nagawa niya sa mundo.”—Ate Shawie, impersonator ni Sharon Cuneta

“I am also a musician. I am a pianist and I am sad of Michael Jackson’s passing. Wala nang makakapantay sa kanya. Wala nang iba pa na susulpot na tulad niya.” –Eric Valeña, show biz fashion designer

“Para sa akin po, end of an era ang pagkamatay ni Michael Jackson. Isa siya sa mga idol ko. Malaki ang mawawala sa music industry sa kanyang pagkamatay.” –Alamid Band

“I grew up to his music and his earlier songs bring happy memories of my youth. Despite the controversies and the troubles that hounded his personal life, Michael Jackson was a musical genius and artist. His lyrics, melodies and dance steps affected people worldwide in a profound way. He shall be missed.” –Angelique Lazo, TV newscaster

“I am so sad to hear about it! I can’t believe it but at least nakita ko siya no’ng concert niya ditto! I wish na he may rest in peace! Luv u Michael!” –Ana Capri, aktres

“It’s a proof that life is short. Sayang din cuz he’s a big loss to the music world. God bless his soul!”—Freddie Aguilar, folk singer

***

Samantala, napapag-usapan na rin lang ang mga pumapanaw na mang-aawit.

Ibinalita ng dating hairdresser at beauty consultant ng namayapang singer na si Didith Reyes na si Shirley de Leon na nagtungo sa kanyang beauty shop sa Loyola Street sa Carmona, Cavite ang nag-iisang anak ni Didith na si Arvy Reyes.

Sinabi ni Shirley na kinuha na ni Arvy ang TV set na naiwan ni Didith sa bahay ng hairstylist. Dinala kasi ni de Leon ang TV set sa kanyang beauty parlor.

Ilalagay ani Shirley ni Arvy ang TV set sa ipinatayo nitong tapsilogan sa may Anonas sa may Project 2 at 3 sa Quezon City.

Ibinalita rin ni de Leon na ayaw na raw payagan ni Vic del Rosario na makakuha pa ng pera ang mga Reyes sa Viva Entertainment.

***

Sa iba pa ring mang-aawit.

Alam ba ninyo na magsasama sa isang show sa Las Vegas sina Imelda Papin at ang nagpatanyag ng mga awiting “Looking Through the Eyes of Love” na theme song ng pelikulang “Ice Castles,” “Midnight Blue,” “Don’t Cry Out Loud,” “If This is Love” at napakarami pang iba na si Melissa Manchester?

Mangyayari ang makasaysayang pagsasama sa ika-31 ng Hulyo, ika-1 at ika-2 ng Agosto, 2009 sa New Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas.

Ngayon pa lang ay hindi na mailarawan ang kaligayahan sa mukha ni Papin.

Idolo kasi niya si Melissa. Nang nasa Bicol pa siya at sumasali sa mga amateur singing contest sa kanyang lalawigan, ang mga piyesa ni Manchester ang kanyang kinakanta at nagbibigay sa kanya ng tagumpay.

Ang produksyon ay mula sa 684 Music Entertainment ni Oscar Parel, ang CEO ng kumpanya.