Sports

Pinas naghahanda kontra sa New Zealand para sa Davis Cup


Matapos isantabi ang Pakistan nitong nakaraan, naghahanda na ang koponan ng Pilipinas upang harapin ang New Zealand para sa finals ng Davis Cup Asia/Oceania Zone Group II. Ginapi ng bansa ang Pakistan, 3-2 sa PCA (Philippine Columbian Association) courts sa Manila upang magkaroon ng pagkakataong harapin ang Kiwis, na winalis ang kanilang nakaharap na Indonesia, […]

Matapos isantabi ang Pakistan nitong nakaraan, naghahanda na ang koponan ng Pilipinas upang harapin ang New Zealand para sa finals ng Davis Cup Asia/Oceania Zone Group II.

Ginapi ng bansa ang Pakistan, 3-2 sa PCA (Philippine Columbian Association) courts sa Manila upang magkaroon ng pagkakataong harapin ang Kiwis, na winalis ang kanilang nakaharap na Indonesia, 5-0.

Binasag ng mga Pinoy ang mga Kiwi, 4-1, sa huli nilang pagtatagpo noong 2007, ngunit aminado si Mamiit na iba na ang koponang kakaharapin nila sa darating na Setyembre. “I know these guys,” saad ni Cecil Mamiit, ang Fil-Am na kapitan ng koponan. “They play on hardcourts. Maybe if we can take the tie here (PCA shellcourts) and, with the hometown crowd cheering for us, we can have a great tie.”

Mamamayagpag sina Dan King-Turner at GD Jones para sa mga Kiwi. Nagtulong ang dalawa upang lampasuhin ang Indonesia sa pamamgitan ng 3-0 kalamangan. Bukod pa rito, nasa 100 rin si King-Turner at Mikal Statham, ang ikatlong alas ng mga Kiwi.

Bagaman, kumpiyansa pa rin ang koponan ng Pilipinas na magagapi nila ang dadayong Kiwis. Binigyan ng 2-1 kalamangan ang bansa kontra sa New Zealand.

Sa pagkakataon rin na ito, nagpahayag ang dalawang lokal na manlalaro na sina Francis Casey Alcantara at PJ Tierro na ibibigay nila kina Mamiit at Treat Huey ang entablado upang makatulong sa pag-usad muli ng bansa sa international rankings ng Davis Cup.

Mailalagay sa Group I sa susunod na taon ang mananalo sa laban na ito, na gaganapin sa Setyembre. Dalawa ang nakikitang pagdarausan ng laro, na gaganapin sa bansa. Isa ang shell court ng PCA na nabanggit ni Mamiit o ang Cebu Country Club.

Huling umakyat sa Group 1 ang Pilipinas noong nakaraang taon Nagwagi sila sa Kazakhstan at Uzbekistan, ngunit nilampaso ng Japan hanggang mahulog sa Group II.