Ilang araw bago ang nakaambang pagsasara ng Triumph International Philippines Inc. (TIPI) sa Agosto 29, isang pabrika ng underwear sa Taguig City, pinangunahan ng Defend Job Philippines at Bagong Pagkakaisa ng mga Manggagawa ng Triumph International ang isang kilos-protesta sa Mendiola Bridge. Koordinado ang pagkilos nila noong Agosto 26 sa pagkilos ng mga manggagawa ng Triumph sa Thailand, Hong Kong, Germany at Norway. Noong Hunyo, 1,663 manggagawa ng TIPI ang tinanggal sa trabaho dahil umano sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. (Jeffrey Ocampo)