Pinoy Weekly

Video: Pagbubuklod ng artista sa isang pampulitikang protesta

Puno ng itim na laso ang bukana ng Cultural Center of the Philippines at naka-half mast ang bandila ng Pilipinas bilang simbolikong protesta sa diumano'y "pagkamatay" ng Gawad Pamabansang Alagad ng Sining. (King Catoy)

Puno ng itim na laso ang bukana ng Cultural Center of the Philippines at naka-half mast ang bandila ng Pilipinas bilang simbolikong protesta sa diumano'y "pagkamatay" ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining. (King Catoy)

Sa isang makasaysayang protesta, nagbuklod ang mga artista noong Agosto 7 para kondenahin ang diumano’y pambababoy ni Pangulong Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining.

Dumalo sa protesta sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Bienvendio Lumbera, Arturo Luz, Benedicto Cabrera, Salvador Bernal, Eddie Romero, F. Sionil Jose, Napoleon Abueva, at Virgilio Almario, kasama ng iba pang mga artista at grupong pangkultura.

Mula sa CCP, dumiretso sila sa tanggapan ng National Commission on Culture and the Arts, kung saan naging madamdamin ang pagbuhos ng sentimiyento.

Panoorin ang video:

Basahin ang kaugnay na artikulo: Ang pagkamatay ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3348

Posted by on Aug 8 2009. Filed under Kultura, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Video: Pagbubuklod ng artista sa isang pampulitikang protesta”

  1. Alvin Alcantara

    Umasa pa tayong magiging tunay na National Artist ang pipiliin ni Gloria. Since peke syang pangulo, syempre, peke rin ang pinili nyang “National Artists”.

    Wala na talagang kahihiyan.

    Mabuhay ang tunay na mga alagad ng sining.

  2. Norlisah

    paano ko ba maipagtatangol ang aking sarili kong may iba jang >>?

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes