Balita Multimedia Photo Essays

Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan

Mahigit 20 ang nakaburol sa plaza ng Brgy. Bagong Silang, Batasan, Quezon City. Isang maralitang komunidad, isa ito sa marami pang lugar sa Metro Manila na lubhang nasalanta ng bagyong Ondoy.

Mahigit 20 ang nakaburol sa plaza ng Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Isang maralitang komunidad, isa ito sa marami pang lugar sa Metro Manila na lubhang nasalanta ng bagyong Ondoy.

Namatay sa pagkalunod ang karamihan sa mga biktima. Himutok nila, walang dumating na tulong mula sa gobyerno. Umabot na sa 100 katao na ang binawian ng buhay, ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Coordinating Council.

Namatay sa pagkalunod ang karamihan sa mga biktima. Himutok nila, walang dumating na tulong mula sa gobyerno. Umabot na sa 100 katao na ang binawian ng buhay, ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Coordinating Council.

Bagaman napatampok sa balita ang mga biktima ng pribadong subdibisyon na Provident Village sa Marikina City, karamihan sa mga namatay ay mula sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silang.

Bagaman napatampok sa balita ang mga biktima ng pribadong subdibisyon na Provident Village sa Marikina City, karamihan sa mga namatay ay mula sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan.

Ayon sa mga residente dito, hindi pa matiyak ang bilang ng mga nawawala. Ayon sa NDCC, dalawang araw matapos ang pananalasa ng bagyo, nakapokus na ang kanilang operasyon sa paghahanap ng bangkay (retrieval operations) kaysa sa pagsagip ng buhay (rescue operations).

Ayon sa mga residente dito, hindi pa matiyak ang bilang ng mga nawawala. Ayon sa NDCC, dalawang araw matapos ang pananalasa ng bagyo, nakapokus na ang kanilang operasyon sa paghahanap ng bangkay (retrieval operations) kaysa sa pagsagip ng buhay (rescue operations)

Ina ni Muelmar Magallanes, tinaguriang bayani ng kanilang barangay. Namatay ang 18-anyos na construction worker sa pagkalunod matapos sagipin ang 30 katao sa kanilang lugar, kabilang ang isang anim-na-buwang sanggol.

Ina ni Muelmar Magallanes, tinaguriang bayani ng kanilang barangay. Namatay ang 18-anyos na construction worker sa pagkalunod matapos sagipin ang 30 katao sa kanilang lugar, kabilang ang isang anim-na-buwang sanggol.

Maybahay ni Larry Roxas, isa sa mga nasawi noong kasagsagan ng baha noong Sabado, Setyembre 26.

Maybahay ni Larry Roxas, isa sa mga nasawi noong kasagsagan ng baha noong Sabado, Setyembre 26.

Halos 100 pamilya ang nagsisiksikan sa plaza ng Brgy. Bagong Silang, Batasan, Quezon City. Laging kulang ang mga relief goods na bigay ng mga pribadong donor.

Halos 100 pamilya ang nagsisiksikan sa plaza ng barangay na nagsisilbi ring evacuation center. Laging kulang ang mga relief goods na bigay ng mga pribadong donor.

Walang saysay na bumalik sa bahayan ayon sa kanila sapagkat natangay na ang mga ito ng rumaragasang tubig-baha.

Walang saysay na bumalik sa kani-kanilang tahanan. Ayon sa kanila, natangay na ang mga ito ng rumaragasang tubig-baha.

No related posts.

Discussion

No comments for “Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by anna vania. anna vania said: http://pinoyweekly.org/new/mga-larawan-kamatayan-sa-bagong-silang/ [...]

    Posted by Tweets that mention Pinoy Weekly | Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silang -- Topsy.com | September 30, 2009, 3:24 am
  2. nku graveh talaga manalasa ang kalikasan aral lamang yan sa tao sa sobarang pangaabuso sa kalikasan sana magtanda na poe tayong lahat…
    joy…

    Posted by joy brillantes | October 5, 2009, 6:46 pm
  3. [...] community located in the northeastern part of the country’s capital. More than 30 individuals died in this community during the flooding [...]

    Posted by Global Voices Online » Philippines: Dita Tree saved 36 lives during floods | November 5, 2009, 9:29 am

Post a comment

Opinyon

Salamat po Pangulong Arroyo para sa footbridge na ito

Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.

Read on