Mga larawan: Paggunita sa ika-37 na anibersaryo ng batas militar

Ginunita ng mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang ika-37 na anibersaryo ng pagdedeklara ng batas militar noong Setyembre 21 sa pamamagitan ng pagmartsa sa Mendiola.

Sinalubong sila ng daan-daang manggagawa ng Kilusang Mayo Uno, na sa kanilang pahayag ay nananawagan ng katarungan para sa mga biktima ng diumano'y batas militar ni Pangulong Arroyo.

Isa sa pinakahuling kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo ang pamamaslang sa pari na miyembro ng Promotion of Church People's Response.

Ayon sa mga demonstrador, walang pinagkaiba si Pangulong Arroyo at dating diktador na si Ferdinand Marcos sa kanilang mga polisiya.

Tinitingnan ng batang ito ang mga litrato ng mga biktima ng pasismo kapwa sa ilalim ng administrasyong Marcos at Arroyo. Hamon ng Bayan, dapat ilantad ng presidentiables ang kanilang tindig sa mga paglabag sa karapatang pantao at panagutin si Arroyo sa mga ito.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4091













