Lathalain

Misyon ng ILO: Seryosong tugon sa seryosong panunupil sa paggawa

Pages: 1 2 Next page »

Susuportahan ng ILO Watch ang misyon ng International Labor Organization para siyasatin ang panunupil sa kilusang paggawa. (Angelica Carballo)

Susuportahan ng ILO Watch ang misyon ng International Labor Organization para siyasatin ang panunupil sa kilusang paggawa. (Angelica Carballo)

Sa wakas, may nakikitang pag-asa si Marissa Concepcion, asawa ng nawawala pa ring lider-unyonista na si Rogelio Concepcion. Hindi man ito ang pag-asang masilayan ang kanyang asawa na dinukot sa San Ildefonso, Bulacan noon pang 2006, ito ang pag-asang may managot sa krimeng pinaniniwalaang mismong gobyernong Arroyo ang may kagagawan.

Isa si Ginang Concepcion sa mga nananabik sa high-level mission ng International Labor Organization (ILO) na gaganapin sa bansa mula Setyembre 22 hanggang 29. Darating ang ILO, na naka-base sa Geneva, Switzerland, para sisiyasatin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa hanay ng kilusang paggawa.

Bibisitahin ng ILO ang dalawang malalaking planta sa Gitna at Hilagang Luzon, at kakausapin ang kapamilya ng mga manggagawang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot, at panghaharas.

“Matagal kaming naghintay na ang pagkawala ng asawa ko ay seryosong maimbestigahan, at mabigyan ng katarungan. Sana sa ILO mission na ito, puspusan itong mabigyang pansin,” sabi ni Ginang Concepcion.

91 lider-unyonista pinaslang

Noong isinampa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang reklamo sa ILO tatlong taon na ang nakakaraan, nasa 64 ang bilang ng mga manggagawang pinaslang sa ilalim ng gobyernong Arroyo. Simula noon, nadagdagan pa ng 28 ang bilang na ito at ngayo’y umaabot na sa 91.

Kabilang sa mga kasong hindi pa nareresolba ang pagpaslang kay Diosdado Fortuna, presidente ng unyon ng planta ng Nestle Philippines sa Cabuyao, Laguna. Igugunita sa darating na Setyembre 22 ang ika-apat na anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

Pinaniniwalaan ng KMU pinaslang ang mga gaya ni Fortuna dahil sa mga aktibidad na may kinalaman sa pag-uunyon at sa paglahok sa mga organisasyon na binabansagan ng gobyernong Arroyo bilang “kaaway ng Estado.” Pinaniniwalaan din ng grupo na mga pulis at militar ang nasa likod ng mga pamamaslang, kasabwat ang manedsment ng mga kompanya.

Wala pang napaparusahan sa lahat ng kaso ng pagpasalang sa mga manggagawa. Hindi rin umuusad ang mga imbestigasyon ng Commission on Human Rights dahil sa kawalan diumano ng mga testigo, ayon sa Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).

ILO at ang tugon ng gobyerno

Ang ILO ang ahensiya ng United Nations na responsable sa pagsisigurong sinusunod ng mga miyembrong bansa ang pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa o international labor standards. Itinatag ang ILO noong 1919, at miyembro dito ang Pilipinas simula 1946.

Darating sa bansa ang mga kinatawan ng ILO na sina Tin Demeyer, Cleopatra Donnihandri, at Karen Purtiz. Inaasahang gaya ng misyon ni Philip Alston, UN special rapporteur on extra-judicial killings, noong 2007, mabibigyang-linaw ng ILO kung totoo at sistematiko nga ba ang polisiya ng panunupil ng gobyerno laban sa mga manggagawa.

Ayon sa ILO Committee on the Applications of Conventions and Recommendations noong 2007, nagpapatuloy ang karahasan at kapinsalaan sa karapatan sa paggawa dahil sa kawalan ng gobyerno ng aksiyon laban sa mga salarin. Pero tinanggihan ng gobyernong Arroyo ang hiling ng komite na magsagawa ng isang high-level mission para imbestigahan nang mas malalim ang sitwasyon.

Gayundin, sa sagot ng gobyernong Arroyo sa reklamo ng KMU sa ILO, binitiwan nito ang mga pahayag na maaaring basahin bilang pangangatwiran sa paglabag sa karapatang pantao ng mga lider-unyonista.

Umano’y nakaugat ang kilusang komunista sa kilusang paggawa (”the communist movement is rooted in the labor movement”) at dapat pag-ibahin ang mga lehitimong mga aktibidad ng mga unyon at mga krimen laban sa Estado na may karapatan itong pigilan (“distinction should be made between legitimate trade union activities…and the commission of crimes against the State that the State has the right to prevent”).

Pages: 1 2 Next page »

No related posts.

Discussion

No comments for “Misyon ng ILO: Seryosong tugon sa seryosong panunupil sa paggawa”

Post a comment

Opinyon

Salamat po Pangulong Arroyo para sa footbridge na ito

Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.

Read on