Sports

Palaro para sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy, napanalunan ng Smart-Gilas Team Pilipinas


Nagpakitang-gilas ang koponang Smart-Gilas, kahit sa isang pagkakataong ito. Ginapi ng tropa ni CJ Giles na Smart-Gilas ang kapwa nilang National Team na Powerade Team Pilipinas noong nakaraang Lunes (Oktubre 5) sa isang palaro na ginanap sa Araneta Coliseum upang makalikom ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Kumana si Giles, isang Amerikanong […]

Nagpakitang-gilas ang koponang Smart-Gilas, kahit sa isang pagkakataong ito.

Ginapi ng tropa ni CJ Giles na Smart-Gilas ang kapwa nilang National Team na Powerade Team Pilipinas noong nakaraang Lunes (Oktubre 5) sa isang palaro na ginanap sa Araneta Coliseum upang makalikom ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Kumana si Giles, isang Amerikanong tinitgnan ang posibilidad na ma-naturalize upang makapaglaro para sa bansa, ng 22 puntos, 16 rebounds at limang sapal upang pamunuan ang Smart-Gilas sa kanilang 98-69 pagkapanalo sa kanilang katunggali, na binubuo ng mga propesyunal na manlalaro ng Philippine Basketball Association at nakatungtong sa quarterfinals ng nakaraang FIBA-Asia men’s basketball championship.

Wala man ensayo ang mga beterano, nakauna silang lumamang 15-7 sa unang kuwarto ng laban. Ngunit naramdaman ng koponan ang kawalan nina Mick Pennisi, Arwind Santos, Kelly Williams, Ryan Reyes at Jayjay Helterbrand nang uminit ang Smart-Gilas sa ikalawang kuwarto. Hinugot pa ni coach Yeng Guiao sina JayR Reyes at Wynne Arboleda upang mapunan ang kawlan ng manlalaro ng Powerade-Team Pilipinas.

Tila nahihiya ang mga lokal na manlalaro para sa Smart-Gilas nang hayaan nilang pumuntos si Giles ng unang siyam na marka ng kanilang koponan. Si Japeth Aguilar ang kauna-unahang lokal na pumuntos matapos nito, at ang ikalawang leading scorer ng Smart-Gilas.

Si James Yap ang namuno sa Powerade-Team Pilipinas sa kanyang 17 puntos.

Bilas ang naging puhunan ng mas nakababatang koponan nang kunin nila ang 60-40 kalamangan sa ikatlong kuwarto, nang makuha nina Chris Tiu, Dylan Ababou at Mark Baracael ang kanilang marka.

Winasiwas naman ng seleksiyon mula sa PBL/Liga Pilipinas ang mas nakababatang seleksiyon mula sa UAAP at NCAA 85-72 sa unang laban ng eksibisyon na palaro.