Paglikha ng kasaysayan ng pelikulang “Latak” at ang kamatayan ni Johnny Delgado

Si Johnny Delgado, sa isang protesta kaugnay ng kontrobersyal na National Artist Award ngayong taon. (Soliman A. Santos)
Bigyan natin ng karapatang mapanood si Jowee Morel hindi lang sa kanyang obrang “Latak” ng Outline Films kundi sa iba pa niyang pelikula tulad ng “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” “Ez2Luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “HiStory” at “Strictly Confidential.”
May ebolusyon ang bawat tao, ang bawat alagad ng sining at hindi napupuwera r’yan si Morel.
Bagamat naipalabas na ang “Latak” ng dalawang beses, sa University of the Philippines Film Institute Cine Adarna at sa Network for the Promotion of Asian Cinema o Netpac ng 2009 Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines dahil sa wala naming censorship sa dalawang ahensiya at wala rin itong permiso mula sa Movie and Television Review and Classification Board dahil pa rin sa hindi naman ito ipinasa ni Jowee bilang prodyuser sa sensura, iba’t iba na ang reaksyon ng publiko sa likhang-sining na ito.
***
Maski ako na tumutulong na sa publisidad ng pelikula ay naguguluhan sa istruktura ng iskrip at paglalapat nito sa makina ng digital filmmaking, ang iba pa kayang manonood na hindi sanay sa eksperimental na takbo ng kuwento at pagpaparaan nito.
Nang ipalabas nga ito sa UPFI Cine Adarna, nang lumabas ang mga Vilmanians na mahilig manood ng mga mapangahas na pelikula sa UP nang hindi pa ito ipinatitigil ng MTRCB, sa pangunguna ni Jojo Lim, may nagsabi na isa sa kanila na “ang lalim naman ng pelikula. Masyadong intelektwal. Ibang klase.”
Pati na si Fr. Nick Cruz, S.J., isa sa mga umupong rebyuwer ng pelikula sa MTRCB kasama sina Jackie Aquino at Atty. del Prado, nalaliman sa gulugod ng paghulma ni Morel sa kanyang trabaho.
“Masyadong nakakalito ang pagsunod sa kuwento,” pahayag ni Fr. Cruz.
Ngayon namang ipinalalabas ito sa IndieSine ng Robinsons Galleria, nauna nang nagkomentaryo ang peryodistang pampelikula na si Elmer Antonio, kilala rin sa tawag na Taratitat, na masyado siyang naguguluhan sa pelikula.
“Kailangang mag-isip ka pa nang makasampung beses kung ano ang ibig sabihin ng pelikula. Kung ano ang gusting ihain nitong kuwento,” pahayag ni Elmer na kasamang nanood ang isa sa mga ipinagmamalaking fashion designer ng Taytay, Rizal na si Merlito Cruz.
***
“Pero hindi. May klarong gustong sabihin ni Jowee Morel. Magagaling ang mga artista,” pagkontra naman ng movie columnist na si Arthur Quinto.
“Ang pelikula ay nangyayari sa isip ng isang tao at mahirap ipakita ang nagaganap sa loob ng utak para i-translate sa pelikula,” sabi pa ni Arthur.
Teka nga pala.
Napanood na ito ng isa sa mga aktibong miyembro at kasalukuyang presidente ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na si Roland Tolentino.
Mukhang wala pa siyang nasasabi o napapagtagni-tagning pangungusap at pananaw tungkol sa pelikulang ito.
Ano kaya ang saloobin ni Tolentino rito?
Gugutayin kaya niya o hihimasin?
***
Nakakarating naman kay Jowee ang lahat ng mga kritisismo tungkol sa kanyang ginawa at maluwag naman sa puso niyang tinatanggap anuman ang hatol ng inampalan sa kanyang obra.
“Ganyan naman talaga ang gusto kong maging epekto ng pelikula sa mga manonood. Kasi, ang tinatalakay ko ay tungkol sa halusinasyon at ilusyon ng isang durugista.
“Ang ‘Latak’ ay isang personal movie. Kasaysayan ito ng isang kakilala ko. Actually, composite story ito ng maraming tao na kilala ko.
“Kaya natutuwa ako pag naguguluhan ang mga viewers sa pelikula ko kasi ‘yon ang gusto kong reaction nila dahil ang isang drug dependent ay maraming kaguluhan sa buhay. Pati ang utak niya ay magulo kaya gano’n din ang structure ng pelikula pero pag pinag-aralan mo talaga, masusundan mo ang sinasabi ng pelikula,” pahayag ni Morel.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5073













