Sports

Tagumpay, at pighati, ng mga Pinoy sa boksing


Nitong nakaraan ay makulay ang naging pakikipagsapalaran ng ating mga atletang Pilipino, mula sa track and field hanggang sa boksing. Tampok rito ang pagwawagi ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto. Itinigil ang laban ilang segundo pa lamang ang nakakalipas sa 12th at huling round upang maagaw ng Pambansang Kamao ang titulo ng World Boxing Organization […]

Manny Pacquiao, sa misa ng pasasalamat sa Maynila matapos ang laban kay Cotto. (Contributed Photo)
Manny Pacquiao, sa misa ng pasasalamat sa Maynila matapos ang laban kay Cotto. (Contributed Photo)

Nitong nakaraan ay makulay ang naging pakikipagsapalaran ng ating mga atletang Pilipino, mula sa track and field hanggang sa boksing.

Tampok rito ang pagwawagi ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto. Itinigil ang laban ilang segundo pa lamang ang nakakalipas sa 12th at huling round upang maagaw ng Pambansang Kamao ang titulo ng World Boxing Organization welterweight sa Panamanian.

Tagumpay at kasaysayan

Gumawa rin si Pacquiao ng panibagong kasaysayan sa kanyang pagkapanalo. Bukod sa kauna-unahang Asyano na humawak ng Lightweight na korona nang talunin niya si David Diaz noong isang taon, ang kahuli-hulihang titulo ang siyang nag-angat sa kanya sa mas mataas na antas bilang katangi-tanging boksingero na nakakuha ng pitong kampeonato sa kasindaming dibisyon.

Wala nang iba ang itatapat kay Pacman kundi si ang Amerikanong si Floyd Mayweather, ang dating pound-for-pound king bago maagaw ni Manny ang karangalang mabansagan nito.

Matatandaang pinulbos ng wala pang talo na si Mayweather ang dating nakatunggali ni Pacquiao na si Juan Manuel Marquez ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Ito ang kauna-unahang laban ni Floyd matapos ang dalawang taon mula nang magretiro siya, na wala pang naitatalang dungis sa kanyang tala.

Kung matutuloy ang negosasyon sa kampo ni Floyd at ni Manny, maraming tumataya na ito na ang pinakamalaking laban sa kasalukuyang henerasyon ng mga boksingero. Ngunit bago ito mangyari, tantiya ng karamihan na malaking hadlang ang hindi pagkakasundo sa pinansiyal na aspeto ng laban. Sa kalibre ng dalawang boksingero, wala sa kanila ang tatanggap ng mas konti kumpara sa isa – hindi rin naman sila kinikitaan na magkasundo sa 50/50 hatian.

Pighati sa likod ng tagumpay

Ngunit kung nakamit ni Pacman ang kasaysayan ay siya namang kabiguan para sa isa pang Pinoy na mandirigma sa ring. Ngunit tumumba at nawalan ng malay ang boksingero ilang sandali lamang matapos igawad ang unanimous decision na pagwagi ng Pinoy, dahilan upang agad siyang itakbo sa ospital at sumailalim sa brain surgery.

“Sana matuloy iyong mga rumors, ‘yong next fight ko is gonna be a world title,” sinabi umano niya bago ang laban.

Ito na ang huling pakikipagsapalaran ni Gorres, ayon na rin mismo sa pamunuan ng ALA Gym na namamahala ng mga laban ni Gorres. Saad ni Michael Aldeguer na “(d)efinitely it’s over, and I’m sure my father (ALA Gym owner Antonio Aldeguer) and myself and the whole ALA Team don’t want him to fight again”.

Napagwagian ni Z ang 31 sa 34 niya, at tampok ang kanyang pakikipagsapalaran kay Montiel at kay Vic Darchinyan. Ang pagkapanalo sana ni Z “The Dream” Gorres kay super flyweight Luis Melendez ng Colombia ang sana’y magbibigay sa kanya ng pagkakataon upang makalaban para sa titulo laban sa Mehikanong world champion na si Fernando Montiel Mexico.  Maaalalang muntik nang talunin ni Gorres si Montiel noong 2007.