Pages: 1 2 Next page »

Bago tumungo sa rehiyon ng Bikol noong Enero 15, nagmartsa sa Calbayog City, Samar ang mga magsasaka na mula sa Mindanao at iba't ibang bahagi ng Visayas. (King Catoy/May Day Productions)

Nagsimula ang Pambansang Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan noong Enero 12. Inaasahang makakarating ang mga magsasaka sa Mendiola Bridge sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre, para igiit ang tunay na reporma sa lupa. (King Catoy/May Day Productions)

Isang Owen Tan, na may ID ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines-Military Intelligence Group, ang nadakip at tinurn-over sa pulisya ng mga magsasaka. Kumukuha si Tan ng mga litrato ng mga delagado sa Looc Pier, Allen, Northern Samar. (King Catoy/May Day Productions)

Nakatanghod sa dagat ang mga magsasakang ito mula sa Silangang Bisayas, sa ferry na nagtawid sa karaban papuntang Bikol. (King Catoy/May Day Productions)

Mataas ang diwa ng mga magsasaka nang makarating sa pier sa Matnog, Sorsogon. (King Catoy/May Day Productions)

Sumalubong din ang mga magsasaka at iba pang mamamayan mula sa iba't ibang probinsya ng Bikol. (King Catoy/May Day Productions)

Kinagabihan, nagmartsa-protesta sa Sorsogon City ang tinatayang 500 magsasaka. Bitbit nila ang mga sulo, at sinalubong ng fireworks. (King Catoy/May Day Productions)

Kinabukasan, Enero 16, maagang tumulak ang mga magsasaka patungong Legazpi City. (King Catoy/May Day Productions)

Pero sa isang tsekpoint sa Sorsogon City, hinarang ang karaban ng mga sundalo ng 904th IB. (King Catoy/May Day Productions)
Pages: 1 2 Next page »
Related posts:
(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.
[...] This post was mentioned on Twitter by gly gotiangco, hilway dato. hilway dato said: mga larawan sa Lakbayan ng mga magsasaka na nasa Cam Norte Na. http://ow.ly/XhR3 @tonyocruz [...]