Sports

Pacquiao haharapin si Joshua Clottey – at hindi na si Floyd


Mas malinaw na matutuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey kaysa kay Mayweather. Nagharap na sa isang press conference ang dalawang boksingero noong Enero 18 (sa US). Bahagyang ipinahayag ni Freddie Roach na “this is the Super bowl of boxing. It’s going to be a great fight” sa metapora ng larong football – […]

Marso 13 - iyan ang basa ng pinagtabi na Dallas Cowboys jersey nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey sa kakatapos nilang  press conference para sa kanilang laban na gaganapin sa Dallas Stadium.
Marso 13 - iyan ang basa ng pinagtabi na Dallas Cowboys jersey nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey sa kakatapos nilang press conference para sa kanilang laban na gaganapin sa Dallas Stadium.

Mas malinaw na matutuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey kaysa kay Mayweather.

Nagharap na sa isang press conference ang dalawang boksingero noong Enero 18 (sa US). Bahagyang ipinahayag ni Freddie Roach na “this is the Super bowl of boxing. It’s going to be a great fight” sa metapora ng larong football – dahil gaganapin ang laban sa Dallas Stadium kung saan naglalaro ang Dallas Cowboys. Panay rin ang ngiti ni Clottey na maba-haba ang pahayag na mas pa sa pasasalamat kaysa sa ilang pahayag kung paano niya matatalo si Manny.

“I want to think Manny Pacquiao and Freddie Roach for giving me the opportunity. This is going to be a great fight. I can’t think Manny Pacquiao enough. He’s the best guy. This fight is going to be a hell of a fight. I love Manny Pacquiao. He’s one of my favorite fighters. If you throw at him, he throws back at you. It’s not going to be an easy fight. I’m going to change some things in my training. I’m going to get me trainer to start preparing me. I already started my training. I know I’ve got to fight Manny Pacquiao. It’s not going to be easy. The two of us are going to give the fans a great fight. It’s going to be a nice fight,” ani ng taga-Ghana na nakaharap na rin ang huling ginapi ni Pacquiao na si Miguel Cotto.

At ano naman si Pacman? “I feel like a football player. Clottey is a good fighter and a top fighter. He is bigger than me, so I have to prepare hard for this fight and train hard for this fight. We will do our best to give a good fight and make people happy on March 13th”

Ang ere ay hindi tulad ng matagal nang naikasa na laban ng pambansang kamao kay Floyd Mayweather Jr, na hanggang papel na lang ang naging pagpapasapubliko ng kanilang dapat na paghaharap.

Marami ang nadismaya sa naging takbo ng mga pangyayari sa sana’y paghaharap nina Pacquiao at Mayweather Jr, na nauna nang itinakda bago pa man matapos ang 2009, matapos ang sandamakmak na negosasyon at akusasyon. Sa ilang manunulat, lumalabas na naunsiyami ang laban dahil ayaw marungisan ni Mayweather ang kanyang tala na walang pagkatalo –  hindi mas lalo sa mga alegasyon ng kampo ni Mayweather na gumagamit ng performance enhancement drugs si Pacquiao, o kaysa sa hindi pagsailalim ng huli sa drug test.

At kahit pa napatunayan ng Nevada Sports Athletic Commission na negatibo ang parehas na boksingero, nasira na ang negosasyon hanggang magtangka pang magsampa ng kasong paninirang-puri si Pacquiao laban kay Mayweather.

Sa ngayon, malaki pa rin ang haka-haka at kuro-kuro sa kung sino nga talaga ang lalabanan ni Mayweather – na naghayag na lalabas mula sa kanyang pagreretiro upang labanan si Pacquiao. Sa tala, mas matunog na si Shane Mosley ang paborable na makahrap niya.

Matatandaang umakyat ng ring si Mosley upang makipagpalitan ng ilang salita kay Mayweather Jr matapos mapagwagian ng huli ang laban niya kay Juan Marquez. May ilang kritiko rin na nagsabi na mas kailangang iharap ni Mayweather si Mosley sa drug test, dahil mas aminado si Mosley na gumagamit siya ng steroids.

Para sa karamihan ng manunulat, mas magarbo sana ang paghaharap na Pacquiao-Mayweather, at mas malamang na mapupuno ng mga tagasubaybay ng boksing ang Dallas Stadium, kaysa sa laban na ito. Sa kaunting tao na nagpunta sa press conference ng Pacquiao-Clottey, tila pangitain ito ng malamya na pagtanggap sa laban na gaganapin sa Marso 13.