Mga Larawan: Kampanya para palayain ang Morong 43

Mula Morong, Rizal hanggang Camp Capinpin, hanggang Court of Appeals sa Manila — mga imahen ng pagmamalupit at pagpupunyagi ng Morong 43.

Isa sa mga tauhan ni Dr. Melecia Velmonte na naiwan sa bahay ng doktor sa Morong, Rizal matapos sumalakay ang humigit-kumulang 300 sundalo ng Philippine Army para arestuhin ang 43 manggagawang pangkalusugan na nagsasagawa ng pagsasanay-medikal doon noong Pebrero 6. (Commed / Contributed Photo)

Bantay-sarado ng mga sundalo ang gate ng detention center ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Limang araw pa ang lumipas matapos maaresto ang 43 nang mabisita sila ng mga abogado nila. (KR Guda)

Huwebes na nang mabisita ng mga doktor ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang 43 detinido sa Camp Capinpin. Kinailangan pa nilang magsulat sa logbook at magprisinta ng ID na nagpapatunay na lisensiyadong doktor sila. (KR Guda)

Noong Martes, kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon para sa writ of habeas corpus ng mga abogado ng Morong 43. Inutusan ng Mataas na Korte ang Court of Appeals na dinggin ang petisyon at ipalantad sa militar ang 43 detinido. (KR Guda)

Nagsimulang dinggin ng Court of Appeals ang petisyon noong Pebrero 12. Piniket naman ng mga tagasuporta at kaanak ang korte. Nasa larawan si Allyn Montes, anak ng isa sa Morong 43 na si Dr. Alexis Montes. Taliwas sa utos ng korte, hindi dinala ng militar ang Morong 43 sa Court of Appeals. (KR Guda)

Nagpunta rin sa CA para makiisa sa Morong 43 sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza, mga senatoriable ng Makabayan at tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Hindi pinayagan ng militar sina Ocampo at Maza na makapasok sa Camp Capinpin. (Jeffrey Ocampo)
Nagpunta rin sa CA para makiisa sa Morong 43 sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza, mga senatoriable ng Makabayan at tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Hindi pinayagan ng militar sina Ocampo at Maza na makapasok sa Camp Capinpin nang tinangka nilang bisitahin ang mga detenido noong Pebrero 13. (Jeffrey Ocampo)
    Noong Sabado, Pebrero 13, nagkaraban ang mga tagasuporta at kaanak ng Morong 43 mula Maynila patungong Camp Capinpin sa Tanay, Rizal para igiit ang pagpapalaya sa mga detinidong manggagawang pangkalusugan. Sa loob ng detention center, nagsagawa ng noise barrage ang 43 para igiit sa militar ang pagdala sa kanila sa Court of Appeals. (Vencer Montes / Contributed Photo)

Sa pangalawang pagdinig ng Court of Appeals, dinala na ng Army ang Morong 43 sa korte. Tig-iisang sundalo ang nagbantay sa bawat isang detinido. Pinaupo sila sa kanan, samantalang nasa kaliwa ang mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43. (KR Guda)

Muli, bantay-sarado ng mga sundalong may mahahabang baril ang Morong 43. Nakaumang ang baril ng isang sundalo habang naglalakad pabalik ng sasakyan si Dr. Merry Mia-Clamor, isa sa Morong 43. (KR Guda)

Matapos ang pagdinig, kung saan tumestigo si Dr. Alexis Montes sa mga pagpapahirap sa kanila ng militar, mataas ang moral ng mga detinido. Marami ang nagtaas ng kamao sa harap ng midya. (Boy Bagwis)

Isa sa mga Morong 43. Ayon sa mga ulat, mga kalalakihan ang pisikal na tinortyur ng militar sa unang dalawang araw ng detensiyon nila. (Boy Bagwis)

Lalong nag-alab ang damdamin ng mga detinido nang magisnan ang mga tagasuportang nananawagan ng kanilang paglaya. Marami ang nagtaas ng kamao bilang pakikiisa. (Boy Bagwis)

Isa sa Morong 43, papalabas ng Court of Appeals. Umabot sa 26 sa mga detinidong manggagawang pangkalusugan ay kababaihan. Marami ang nagreklamong naharas sila sa unang dalawang araw ng detensiyon. (Boy Bagwis)

Sa kabila ng napakahigpit na seguridad, nagawang makalapit ang mga tagasuporta ng Morong 43 sa bus na dala ang mga detinidong manggagawang pangkalusugan. Marami sa mga tagasuportang militante ang mistulang napaluha habang dumaan ang bus palabas ng Court of Appeals. (KR Guda)