Pinoy Weekly

Pacquiao wagi kay Clottey

Pinagwagian ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Joshua Clottey nitong nakaraang Linggo (Sabado ng gabi sa US) at nanatili sa kanya ang titulo ng World Boxing Organization welterweight.

Tumagal ang Pilipino at ng tubong-Ghana na mga manlalaro sa buong haba ng naitakdang 12-round na laban. At sa harapan ng 50,994 nanood sa Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, sa hiyawan nila ng “Man-ny! Man-ny!” sa halos bawat round, dinomina ng Pambansang Kamao si Clottey. Dalawang hurado ang nagbigay ng 119-109 na husga, at ang isa nama’y 120-108, upang igawad sa pamamagitan ng unanimous decision ang tagumpay ni Pacquiao.

Hindi naging agresibo si Clottey mula sa umpisa ng laban, na kinitaan ng matibay na depensa sa haba ng laban. Kinailangan ni Pacquiao na umatake sa katawan ni Clottey dahil sa matinding pagharang ng kanyang kamay sa kanyang mukha. Gayunpaman, kontrolado ni Pacquiao ang laban mula sa umpisang batingting. At sa hinaba ng laban, walang tumumba sa dalawang boksingero.

Ito na ang ikalawang sunod na talo ni Clottey.

Sunod na aatupagin ni Pacquiao ang kanyang pagtakbo bilang kongresista, at ang pag-asang makakaharap si Floyd Mayweather Jr., kung sakaling manalo ito sa kanyang laban kay Shane Mosley na gaganapin sa Mayo 1.

Ngunit mismong si coach Freddie Roach ang nagsalita na para sa kanyang alaga. Aniya, gusto niyang makitang lumaban si Pacquiao kay Mayweather at magretiro na sa taong ito. “There’s no more challenges out there,” ang saad ni Roach.

“If Mayweather doesn’t come to the table, then who else is there?” tanong ni Roach sa pagsipat kung may iba pang mahusay na laban liban kay Mayweather. “I know there’s some fights out there, but will you guys really be interested and will the general public want to buy it?”

Ngunit mas malinaw na iniintindi ni Roach ang pinsalang posibleng idulot kay Pacquiao ng Parkinson’s disease, ang sakit na tumatama sa utak at resulta mismo ng karera bilang boksingero ng tagapagsanay ni Manny.

Ito, at ang mas magandang pagkakataon na lumabas sa entablado na nasa rurok, at hindi pera, ang mas gustong makita ni Roach para sa kanyang alaga. “People ask me: ‘He’s the guy you’ve made the most money from, why would you want him to quit?’ We’ve done well with each other and I’d rather see him quit than continue after a Mayweather fight. I just don’t see any point in going any further,” pagtatapos ni Roach.

 

 

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6618

Posted by on Mar 15 2010. Filed under Sports. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes