Mga Larawan: Ngitngit sa administrasyon ng kaanak ng biktima ng Ampatuan masaker

Nagsindi ng 57 kandila ang mga kaanak ng 57 sibilyan na biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao, sa harap ng tanggapan ng Department of Justice noong Abril 21. Kinondena ng mga kaanak ang pagbasura ni DOJ Sec. Alberto Agra sa kaso laban kina Akmad at Zaldy Ampatuan na dalawa sa itinuturong mga salarin sa masaker. Binatikos nila ang kasalukuyang administrasyon na nagmamaniobra diumano para makalusot ang mga Amaptuan. Hiniling ng mga kaanak na suspendihin muna ang pagdinig sa kaso hangga't walang bagong pangulo. (Rogelio Tubije)

Paghihinagpis ni Monette Salaysay, asawa ng biktimang si Napoleon Salaysay, publisher ng Mindanao Gazette. (Rogelio Tubije)

Sinimbolo nito ang kamatayan diumano ng hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan sa kamay ni DOJ Sec. Alberto Agra. (Rogelio Tubije)

Pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines at nilahukan ng iba pang mga sektor ang protesta sa DOJ. (Rogelio Tubije)

Isa sa mga nakiisa sa protesta si Sr. Mary John Mananzan ng St. Scholastica's College at Association of Major Religious Superiors of the Philippines. (Rogelio Tubije)

Itinaas ng mga kaaanak ng mga biktima ang mga larawan ng mga nasawi, nang hindi makalimutan ng publiko ang malagim na masaker noong Nobyembre 23, 2009. (Rogelio Tubije)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7096













