Sports

Boksingerong Venezuelan, natagpuang patay


Isang boksingero na minamatang ilalaban kay Manny Pacquiao ang pumanaw nitong Lunes. Natagpuan ang bangkay ni Edwin Valero sa kanyang kulungan. Nagbigti si Valero ayon sa ulat ng pulisya, matapos siyang mahuli sa pagkakapaslang sa kanyang asawa. Tanyag si Valero sa kanyang walang talong karta, at dahil sa knockout ang lahat ng kanyang panalo. May […]

Isang boksingero na minamatang ilalaban kay Manny Pacquiao ang pumanaw nitong Lunes.

Natagpuan ang bangkay ni Edwin Valero sa kanyang kulungan. Nagbigti si Valero ayon sa ulat ng pulisya, matapos siyang mahuli sa pagkakapaslang sa kanyang asawa.

Tanyag si Valero sa kanyang walang talong karta, at dahil sa knockout ang lahat ng kanyang panalo. May tattoo siya ni Hugo Chavez sa dibdib ang dating kampeon ng lightweight division.

Dagdag pa sa ulat ng pulisya, isa pang inamate ang nakakita kay Valero, at inalerto ang awtoridad. Naibaba pa nila ang katawan ng boksingero na may senyales pa ng buhay, ngunit hindi na nila itong magawang iligtas.

Namatay si Valero 1:30am oras sa Venezuela.

Kasama ang pangalan ni Valero sa listahan ng maaaring makatapat pa ni Pacquiao bago magretiro ang kampeon.