Mga Larawan: Pagtatakip, iregularidad sa pag-aresto sa Morong 43 muling nailantad sa pagdinig ng CHR
Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang “Morong 43.” Sa pagdinig nitong Abril 12 sa Commission on Human Rights, pinakahuling sumalang si Police Superintendent Allan Nubleza, ang opisyal ng Philippine National Police na may pinakamataas na ranggo sa hanay ng “43 hanggang 45″ alagad ng pulis na sumama sa reyd ng Philippine Army sa isang farm resort sa Morong, Rizal noong Pebrero 6.
Sa kanyang pahayag, itinanggi ni Nubleza na siya ang opisyal ng pulis na namuno sa reyd. Itinanggi rin niyang alam niya na depektibo ang mandamyento de aresto na ginamit para ireyd ang lugar. Itinanggi niya na pulis ang namuno sa reyd tulad ng sinasabi ng Army. Itinanggi niya na alam niya na “pinagsususpetsahang mga miyembro ng New People’s Army” ang aarestuhin sa lugar. At kahit kung sinong opisyal o Pontiyo Pilatong namuno sa reyd, itinanggi niyang alam niya.

Ikinagalit ni CHR Chair Leila de Lima ang di pagsipot ng mga opisyal ng militar sa pagdinig, at di pagpapakita sa 43 na detinido. Kakasuhan umano ng contempt ang mga opisyal ng 202nd Infantry Battalion ng Army. (Jeffrey Ocampo)

Itinuro ni Dr. Melecia Velmonte (naka-blusang asul), may-ari ng farm resort na pinagdausan ng pagsasanay-medikal ng Morong 43 na nireyd, ang lugar kung saan pumasok at pumuwesto ang mga sundalo at pulis. (Jeffrey Ocampo)

Punung-puno ng tao ang conference room ng CHR kung kaya't nakatambay na lamang sa labas ng kuwarto ang ilan sa mga kaanak ng Morong 43. (KR Guda)

Isinumpa si Police Superintendent Allan Nubleza sa pagdinig. Tinawagan ni CHR Chair De Lima si Nubleza noong araw na iyon para tumestigo sa pagdinig, isang araw bago mangibang-bayan si Nubleza na idineploy ng PNP bilang bahagi ng United Nations Peacekeeping Mission. (KR Guda)

Direktang tinanong ni Atty. Edre Olalia, abogado ng Morong 43, si Nubleza: Ano ang sinabi ni Col. Aurelio Baladad ng Army sa kanila hinggil sa Morong 43 matapos arestuhin ang mga manggagawang pangkalusugan? Tumangging sumagot si Nubleza. Pero inamin niyang sinabi ni Baladad na mga miyembro ng New People's Army ang 43. (KR Guda)

Dalawang ahenteng pulis na kasamahan diumano ni Atty. Ramy Tagnong, legal counsel ni Nubleza, ang inireklamo kay De Lima ng mga kaanak ng Morong 43 na kumukuha ng mga litrato nila. (KR Guda)
Para sa naunang mga istory hinggil sa kaso ng Morong 43, basahin ang mga artikulo sa Pinoy Weekly Online.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6938














Police and Military in the Philippines are clearly bloody shit and rubbish.