Mga Larawan: Pagtatakip, iregularidad sa pag-aresto sa Morong 43 muling nailantad sa pagdinig ng CHR
Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang “Morong 43.” Ang pinakahuling namuhol ang dila: Police Superintendent Allan Nubleza.
Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang “Morong 43.” Sa pagdinig nitong Abril 12 sa Commission on Human Rights, pinakahuling sumalang si Police Superintendent Allan Nubleza, ang opisyal ng Philippine National Police na may pinakamataas na ranggo sa hanay ng “43 hanggang 45” alagad ng pulis na sumama sa reyd ng Philippine Army sa isang farm resort sa Morong, Rizal noong Pebrero 6.
Sa kanyang pahayag, itinanggi ni Nubleza na siya ang opisyal ng pulis na namuno sa reyd. Itinanggi rin niyang alam niya na depektibo ang mandamyento de aresto na ginamit para ireyd ang lugar. Itinanggi niya na pulis ang namuno sa reyd tulad ng sinasabi ng Army. Itinanggi niya na alam niya na “pinagsususpetsahang mga miyembro ng New People’s Army” ang aarestuhin sa lugar. At kahit kung sinong opisyal o Pontiyo Pilatong namuno sa reyd, itinanggi niyang alam niya.






Para sa naunang mga istory hinggil sa kaso ng Morong 43, basahin ang mga artikulo sa Pinoy Weekly Online.