Pinoy Weekly

Ang kuwento ng pagiging multikultural ni Ria Garcia

Ria Garcia

Ria Garcia

Sino si Ria Garcia?

Totoong pangalan—Maria Fe V. Cadayona.

Nakasiyam na TV show at dalawang pelikula at ngayon ay tampok sa “Superstar Online” ng Viva Entertainment.

Nagsimula si Ria sa programang “Gulong ng Palad” ng tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa ABS-CBN.

Nang dahil sa kaibigang doktor ng pamilya, kay daling nakapasok sa showbiz ni Ria.

“Kasi, ‘yong doctor ng Executive Producer no’ng ‘Gulong ng Palad,’ kaibigan namin. Nakiusap ang doktor namin sa EP na kung puwedeng maka-extra si Ria sa show,” pahayag ni Puloy Villamater Cadayona, ina ni Ria.

Madali namang napagbigyan ng EP ang kanyang manggagamot at in bigla si Ria.

Papel ni Rica ang ginampanan ni Ria at mula noon ay nagkasunud-sunod na ang palabas-telebisyon ng batang aktres.

***

Nasa kolehiyo noon si Garcia at nagpasya na ang mga Cadayona na dito na sa Pilipinas mamalagi bagamat mga mamamayan na sila ng Estados Unidos.

Bagamat sa Pilipinas ipinanganak si Ria, mga dalawang pa lang siya ay dinala na ng kanyang mga magulang ang sanggol sa Amerika dahil nandoon ang berdeng pastulan na pamamayagpagan ng mga Cadayona.

Sa US nag-elementarya si Ria at ang kanyang dalawang mas panganay na mga kapatid na lalaki.

Pero kalagitnaan ng pag-i-elementarya ng bata ay nagpasya ang kanyang mga magulang na bumalik sa Pilipinas.

Nagpalipat-lipat ng paaralan sina Ria sa Pilipinas, partikular sa Lalawigan ng Laguna.

Taga-Paete, Laguna ang mga Cadayona at Villamater kay sa bayang ito nag-aral ang mga bata pagkabalik-balik sa Pilipinas.

“Kaya lang, hindi sa ayaw ko ang mga eskuwelahan dito. Ano lang, may mga problema sa mobility at sa iba pang nangyayari sa mga schools ng mga anak ko,” pahayag ni Puloy.

***

Pa-Ingles-Ingles noon ang batang Ria at para sa mga kapwa niya Filipino at kababayan, kakatwa at hindi pangkaraniwan ang isang Filipina, mukhang Pinay na bata na tuwid mag-Ingles at ang punto ay Amerikanang-Amerikana.

“Hindi naman sa pinagtatawanan ng kanyang mga kalaro at classmates si Ria. Kaya lang, naa-amuse sila sa pag-i-Ingles ng anak ko. Bago kasi sa kanilang pandinig ‘yon. Tapos, natutuwa sila kaya naman center of attraction ang anak ko at her age,” kuwento ng ina.

Nang makatapos ng kolehiyo ang kanyang mga anak na lalaki, nagbalik ang mga ito sa US at naiwan si Ria sa bansa.

Pabalik-balik lang naman sa Pilipinas si Puloy at ang kanyang mister.

Di kasi nga’y nakatutok ang ina sa kanyang unica hija.

Hanggang magpalipat-lipat din sa mga paaralan sa high school si Ria.

***

Nakatapos naman ang dalagita ng kanyang mataas na paaralan sa Santa Isabel College sa Siniloan, Laguna.

Sa katunayan, sa paligid-ligid ng Santa Cruz, Siniloan, Paete, Lumban at iba pang bayan sa Laguna nag-aral si Ria at ang lahat ay nagsilbing magandang karanasan sa kanya.

Nang magkolehiyo na ang mag-aartista ay sa Miriam College na ito pumasok, sa Katipunan Avenue katabi ng Ateneo de Manila University.

Nagpatala si Ria sa kursong Bachelor of Arts in Communication dahil ang mga asignatura sa degreeng ito ay makakatulong sa lalo pang pagpanday ni Ria sa kanyang mga potensyal bilang isang tagapaghatid ng komunikasyon sa madla.

Gayunman, ang pag-aartista ay nasa paanan na ni Ria kaya ang kondisyon ng kanyang mga magulang ay papayagan lang siyang lumabas sa pelikula at telebisyon kung matataas ang marka na makukuha ng kanilang estudyante.

At habang sumisingit si Ria sa kanyang paglabas-labas sa pelikula at TV ay nag-aaral siyang mabuti.

***

Pangalawang nilabasan ni Garcia ay ang “About Ur Luv” bilang kapatid ni Sandara Park at kapatid rin ang kanyang papel sa “Hiram na Mukha” ni Heart Evangelista.

Kapwa sa Channel 2 rin napanood ang mga palatuntunang ito.

Gayundin, itinampok siya nang mahalagang papel sa fantaserye ni Anne Curtis na “Diosa” bilang Maya, ang ibong diwata.

Ayon kay Ria, ito ang kanyang napakagandang papel sa telebisyon kung saan siya ay pinuri ng maraming kritiko at manonood. Sinubaybayan din anya siya ng mga tao sa kanyang pagganap sa supernatural na karakter.

May pagkakataon pa anya na parang tatapusin na ang kanyang katauhan—na ang ibig sabihin ay papatayin na sa istorya—dahil ang nababasa na lang niya sa kanyang iskrip at “twit! twit!” samantalang sa paglalarawan sa dulang pantelebisyon ay hindi na siya ipapakita.

Mabuti naman at natauhan ang mga taga-produksyon at ipinagpatuloy ang kanyang pagiging diwata.

Naging kontrabida naman siya sa “Maynila” ng GMA Network nang mawalan ng bisa ang kanyang kontrata sa ABS-CBN bilang miyembro ng Star Circle Batch 10 at pagkuwan ay itinali siya sa Star Magic.

Papel ng katrayanggulo sa pag-ibig ni Nikki Bacolod ang binigyang-buhay ni Garcia sa pan-Sabadong programa ng Channel 7.

Nakapag-guest din si Ria sa “Midnight DJ” ng Channel 5 at sa “Banana Split” ng ABS-CBN muli.

Sa pelikula, naitampok na si Ria sa “Status: Single” at “Umboy and Berns” na kapwa produksyon ng Viva Entertainment.

Sa ngayon ay kontrabida si Ria ni Sarah Geronimo sa “Superstar Online” na webcast ng Viva Films.

Maaaring bumisita lang sa www.superstar.ph at mapapanood na ang dalawang sikat na bituin ng kasalukuyang henerasyon.

***

Ang pagiging kontrabida, bagamat alam ni Ria na may hangganan sa kanyang propesyon dahil baka mapako siya sa imaheng ito, ay isang kapalaran na kailangang tanggapin ng isang may abante at makabagong pananaw sa buhay.

“I think I would like to be versatile. Even if I tackle villain roles, I would like to make a mark as a performer,” sabi ni Garcia.

Nasa pamamahala siya ng Viva Talents ni Veronique del Rosario-Corpus at malawak ang palaruan na kanyang ginagalawan.

“My multicultural exposure in the States and in the Philippines make me so varied and comprehensive in my treatment of people,” pahayag ni Ria.

Marami nang kultura ang naihalayhay at naipresenta sa kanya at madali niyang nasakyan ang mga ito.

“I think I am lucky enough to be treated with respect despite my cultural exposure,” sabi ni Ria.

Sa kasalukuyang ay iminomodelo niya ang kasuotang Cotton Club katambal si Jason Abalos.

readbud - get paid to read and rate articles

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7565

Posted by on May 24 2010. Filed under Showbiz. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes