Mga Larawan: Nagwaging partylists ipinroklama, ‘pekeng’ partido ipinrotesta

Nagtaas ng kamay ang mga kinatawan ng sampung nangunang party-lists na ipinroklama ng Commission on Elections na uupo sa susunod na Kongreso. Kabilang sa mga ipinroklama ang progresibong mga partidong Bayan Muna (kinatawan ni Teddy Casino, nakatayo at pangalawa mula sa kaliwa), at Gabriela (kinatawan nina Luz Ilagan at Emmi de Jesus, nakaupo sa gitna). Hindi dumalo ngunit ipinroklama rin ang progresibong mga partylist na Anakpawis, Kabataan at ACT Teachers. (Soliman Santos)

Inulan ng tanong ng midya si Charlie Chua, tagapangulo ng Ang Galing Pinoy, partylist na inaakusahang pakawala ni Pang. Arroyo at pinangungunahan ng anak ng pangulo na si Mikey Arroyo. Ayon kay Chua, kinakatawan ni Mikey ang "underrepresented sectors" tulad ng mga nagmamaneho ng traysikel, tindera at security guards. (Soliman A. Santos)

Sa labas ng tanggapan ng Comelec, nagpiket ang mga miyembro ng Kabataan Partylist sa National Capitol Region para iprotesta ang proklamasyon ng "peke" umanong mga partylist tulad ng Ako Bicol, Ang Galing Pinoy at iba pa. (Soliman A. Santos)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7639













