Sports

Orcollo wagi sa kampeonato ng World Pool Masters


Pinagwagian ni Dennis Orcollo ang katatapos lamang na 2010 Party Poker World Pool Masters noong Mayo 17 na ginanap sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada. Ginapi niya si Toru Kuribayasi sa race-to-8 upang makopo ang titulo at ang $20,000 na papremyo.Inuwi naman ni Kuribayashi ang runner-up na $10,000 papremyo. Kinailangan ni Orcollo […]

Pinagwagian ni Dennis Orcollo ang katatapos lamang na 2010 Party Poker World Pool Masters noong Mayo 17 na ginanap sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Ginapi niya si Toru Kuribayasi sa race-to-8 upang makopo ang titulo at ang $20,000 na papremyo.Inuwi naman ni Kuribayashi ang runner-up na $10,000 papremyo.

Kinailangan ni Orcollo na talunin ang kapwa-pinoy na si Roberto “Pinoy Superman” Gomez sa semifinals upang kaharapin ang Hapones. Pinatumba naman ni Kuribayashi, Oliver Ortmann upang mabuo ang paghaharap sa finals.

Si Gomez ay 2007 World Pool runner-up habang dating kampeon ng World 9-ball si Ortmann.

Ilang Pilipino pa ang naglaro sa torneo tulad nina Efren “Bata” Reyes, Django Bustamante, Ronnie Alcano and Lee Vann Corteza.

Sa finals, nakitang lumamang pa si Kuribayashi 3-1. Ngunit nakahabol si Orcollo sa sumunod na rack at hindi na hinayaang makalamang pa muli ang kakompetensiya.

“Yung laro ko kay Kuribayashi ay ganoon din ang laro ko kay Gomez na naunahan agad ako sa umpisa,” saad ni Orcullo. “Ang hirap humabol kasi race-to-8 lamang ang laro at winner’s break format pa. Buti na lamang pumabor yung bola sa sumunod na tagpo.”

Idinagdag ni Orcolli, isang dating mangingisda mula sa Bislig, Surigao, ang torneo sa iba pa niyang pinagwagian tulad ng 2008 Qatar 9-Ball International Open at ang 2009 International Predator 10-ball.

Tuloy pa rin ang sabak ng mga manlalaro sa kaunaunahang US 10-ball tournament na nagsimula matapos ang palaro ng Party Poker.

 

 

readbud - get paid to read and rate articles