Sports

Pacquiao gagawaran ng Fighter of the Year Award ng boxing writers sa US


Nakatakdang igawad kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang Fighter of the Year at Fighter of the Decade mula sa Boxing Writers Association of America sa darating na Hunyo 4 sa New York. Lilipad si Pacquiao sa Hunyo 1 patungong New York para sa paggagawad. Ito ang ikatlong pagkakataon na igagawad kay Pacquiao ang Fighter of […]

Nakatakdang igawad kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang Fighter of the Year at Fighter of the Decade mula sa Boxing Writers Association of America sa darating na Hunyo 4 sa New York. Lilipad si Pacquiao sa Hunyo 1 patungong New York para sa paggagawad.

Ito ang ikatlong pagkakataon na igagawad kay Pacquiao ang Fighter of the Year award ng BWAA. Tatabla na siya kina Muhammad Ali at Evander Holyfield sa dami ng bilang na nagawaran sila ng naturang papuri ng mga manunulat sa Amerika.

Samantala, tatanggap naman si Freddie Roach ng kanyang ikaapat na Trainer of the Year award.

Ayon kay Jake Joson, ang chef of staff ni Pacquiao, nasa mabuti nang kalagayan na ang premyadong boksingero mula sa pagkakaospital galing sa ulcer. Magiging plano pa ni Pacquiao ang panoorin ang laban nina Yuri Foreman at Miguel Cotto matapos ang mga seremonya sa BWAA.

readbud - get paid to read and rate articles