Balita

Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations

Delegasyon ng Ecumenical Voice, tinatakan ng human rights violator ang imahe ng mukha ni Pangulong Arroyo. Tutungo sila sa Geneva, Switzerland para ihain sa United Nations Human Rights Council ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo. (Contributed Photo)

Delegasyon ng Ecumenical Voice, tinatakan ng "human rights violator" ang imahe ng mukha ni Pangulong Arroyo. Tutungo sila sa Geneva, Switzerland para ihain sa United Nations Human Rights Council ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo. (Contributed Photo)

Tutungo sa Geneva, Switzerland ang isang delegasyon ng mga aktibista para ihapag sa 14th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo, kabilang ang kaso ng ‘Morong 43′ o detenido pa ring mga doktor at health worker.

Umaasa rin ang Ecumenical Voice for Peace and Human Rights in the Philippines (Ecumenical Voice) na itutulak ng UNHRC si presidential frontrunner Senador Benigno “Noynoy” Aquino III na usigin si Arroyo para sa mga paglabag sa karapatang pantao, at wakasan ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya.

Haharap sa sesyon sina Marie Hilao Enriquez, tagapangulo ng Karapatan; Fr. Rex Reyes Jr ng National Council of Churches in the Philippines; Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers; Atty. Carlos Zarate ng Union of People’s Lawyers in Mindanao; at Jigs Clamor, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Karapatan at asawa ni Dr. Merry Mia-Clamor, isa sa Morong 43.

“Papatapos na ang siyam-na-taong panunungkulan ni Arroyo, at siguradong mamarkahan ito bilang pinakamalala sa usapin ng karapatang pantao,” sabi ni Fr. Reyes.

Sa datos ng Karapatan, may 1,991 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, 205 na biktima ng sapilitang pagkawala, 1,028 biktima ng tortyur, at daan-daan libo ang sapilitang lumikas dahil sa mga operasyong militar.

“Hanggang ngayon, wala pa ring napaparusahan para sa kahit isa sa mga kasong ito. Nananawagan ng hustisya ang mga biktima. Kailangan managot ng gobyernong Arroyo para sa crimes against humanity na ito,” ayon naman kay Enriquez.

Nangako ang delegasyon ng Ecumenical Voice na magbibigay ng mga oral intervention hinggil sa sitwasyong pangkarapatang pantao sa Pilipinas, habang nagbibigay ng ulat ang iba’t ibang komite at rapporteur ng UNHRC.

Gaganapin sa Mayo 31 hanggang Hunyo 18 ang sesyon ng UNHRC, kung saan miyembro ang Pilipinas.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. ‘Paglabag sa karapatang pantao, bakit hindi iimbestigahan ng Truth Commission?’
  2. Sa karapatang pantao, nakamasid pa rin ang mundo
  3. Babala ni Alston: Susunod na pangulo, baka ‘di maparusahan ang AFP
  4. Mga Larawan: Protesta para sa hustisya sa Maguindanao, karapatang pantao noong Disyembre 9 at 10
  5. Di paggana ng JMC, di pagkilala sa karapatang pantao

Discussion

2 comments for “Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by ElectricDora, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations http://bit.ly/9fynLb [...]

    Posted by Tweets that mention Pinoy Weekly | Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations -- Topsy.com | May 27, 2010, 10:23 pm
  2. this post is very usefull thx!

    Posted by CNA Practice Test | May 29, 2010, 9:05 am

Post a comment

Opinyon

Alex Remollino: Makata mula sa Malayo

(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

Read on