Sports

Amerikano susubukan ng Smart-Gilas sa Jones Cup

Magsisimula bukas ang 32rd William R. Jones Cup sa Taiwan, at muling sasabak dito ang Smart-Gilas national team sa pag-asang makakapagpakita ng mahusay na laro.

Para kay Smart-Gilas head coach Rajko Toroman mula sa Serbia, mahalaga ang torneo para sa all-amateur na koponan sa agasbak nila kontra sa pambansang koponan ng Iran, kasalukuyang kampeon ng FIBA-Asia, Lebanon, Japan at ang host Taiwan. ”This is the first time we will play these teams. It’s very important, because we’ll see where we are in this moment,” saad ng Serbian na halos dalawang toan nang kasama ang koponan bilang Project Director ng Smart-Gilas

Pangunahing tungkulin niya ang makakuha ng Olympic berth para sa olimpiyada na gaganapin sa London 2012.

Sasabak rin sa kaunaunahan niyang internasyunal na laban ang Amerikanong si Marcus Douthit.

Nakapirma na ng kontrata ang 6-11 na manlalaro, at nasa proseso na ang kanyang pagnanaturalisa upang makapaglaro sa 2011 FIBA-Asia Championship sa Beirut, Lebanon, qualifier para sa 2012 London Olympics

Inaasahang pupunan niya ang posisyong sentro na palagiang problema ng koponan.

Maliban sa mga nabanggit na bansa, haharapin rin ng Smart-Gilas ang isang all-star na koponan ng Taiwan at ang under-23 national team of Australia.

Magsisimula ang pakikipagtunggali ng pambansang koponan sa Miyerkules sa paghaharap nila sa all-star Taiwan, at magpapatuloy sa Huwebes kontra Iran. Biyernes nila haharapin ang Australia. Magpahinga sila sa Sabado at babalik sa palaruan kontra sa Taiwan sa Linggo.

 

 

readbud - get paid to read and rate articles

 

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Serbian maaaring maglaro para sa Smart-Gilas Team Pilipinas
  2. Kahit naka-medalya sa Dubai: Smart-Gilas, magpapalit ng line-up?
  3. Palaro para sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy, napanalunan ng Smart-Gilas Team Pilipinas
  4. Mahalagang panalo, mahalagang leksyon para sa RP 5
  5. Patuloy na pakikipagsapalaran ng Team Pilipinas

Discussion

No comments for “Amerikano susubukan ng Smart-Gilas sa Jones Cup”

Post a comment

Opinyon

PinoyMedia Center pays tribute to Alexander Martin Remollino

PinoyMedia Center, publisher of the progressive newsmagazine Pinoy Weekly, pays the highest tribute to Alexander Martin Remollino who devoted most of his life in the grassroots-based, non-profit media, steadfast in his principles and excellent in his craft.

Read on