Sports

Antonio Margarito naghahanda nang harapin si Pacquiao


Naghahanda na ang kampo ni Antonio Margarito sa kanyang pakikihapagharap kay Manny Pacquiao para sa titulo ng World Boxing Council super-welterweight. Sa isang hakbang patungo sa napipintong sagupaan, ang dating kampeon ng welterweight ay pormal na naghain ng aplikasyon para sa reinstatement ng kanyang lisensiya sa estado ng California sa US. Sumubok nang makipagusap ang […]

Naghahanda na ang kampo ni Antonio Margarito sa kanyang pakikihapagharap kay Manny Pacquiao para sa titulo ng World Boxing Council super-welterweight.

Sa isang hakbang patungo sa napipintong sagupaan, ang dating kampeon ng welterweight ay pormal na naghain ng aplikasyon para sa reinstatement ng kanyang lisensiya sa estado ng California sa US.

Sumubok nang makipagusap ang Amerikanong promoter na si Bob Arum sa California State Athletic Commission na magsagawa ng pagdinig bago ang isang nakatakdang pakikipagusap niya sa kampo ni Margarito sa Setyembre 20.

Nasa indefinite suspension ang boksingero matapos matagpuan ng California Commission ang ilang mala-semento na bagay sa kanyang balot sa kamay bago ang laban nila ni Shane Mosley para sa titulo ng welterweight noong isang taon. Hinalang ito ang naging susi sa kanyang pagwawagi kay Miguel Cotto noong 2008.

Sumubok si Margarito na kumuha ng lisensiya sa Nevada matapos pangalanan ni Arum na sa Las Vegas ang posibleng lugar ng labanan nila ni Pacquiao. Ngunit pinabalik si Margarito ng Nevada Commission at inatasang kumuha muna ng reinstatement bago nila bigyan ang Mehikano ng lisensiya sa Las Vegas.

“All our efforts are now towards finalizing this deal with Margarito. We’ve moved on with talks about a Mayweather fight because he doesn’t seem to care about a clamor to make that fight,” saad ni Franklin Gacal na isa sa legal team ni Pacquiao.

Napili ni Arum si Margarito na labanan si Pacquiao sa Nobyembre 13 nang tanggihan muli ni Floyd Mayweather, Jr. ang kasalukuyang kongresista ng Sarangani. Sinabi ni Mayweather na walang negosasyon para sa laban.

Samantala, patuloy ang paghahagilap ng trainer ni Margarito na si Robert Garcia ng mga video ng mga nakaraang laban ni Pacquiao upang pag-aralan ang mga ito at gumawa ng istratehiya para magapi ang Pilipino. “We’ve been studying all those fights and I think we’ll come in with a great plan and a great strategy to beat him,” sambit ng Mehikanong trainer na hinawakan na rin si Brian Viloria.

 

 

readbud - get paid to read and rate articles