Pinoy Weekly

Mga Larawan: Tuloy ang paghahanap sa mga nawawala

Bago na ang nanunungkulan sa Malakanyang, pero patuloy pa rin ang paghahanap nila. Mga anak, magulang, kapatid, kamag-anak: muli silang nagmartsa — tulad ng pagmartsa nila noong nakaraang mga taon — para hilingin sa gobyerno na ilitaw na ang kanilang mga mahal sa buhay. Buhay man o patay.

Tinaguriang International Day of the Desaparecido ang Agosto 30. Ito ang araw, ani Aya Santos na anak ng nawawalang si Leo Velasco, na tila kinakatakutan nilang gunitain. Dahil ibig sabihi’y isang taon na naman ang lumipas na hindi nila nahahanap silang mga nawawala.

Mahigit 200 katao — karamiha’y mga aktibista, lahat ay pinaratangang lumalaban sa gobyerno — ang sapilitang dinukot noong panahon ng panguluhan ni Gloria Macapagal Arroyo. Patuloy pa rin silang nawawala. Ang kasalukuyang panguluhan, walang binibitawang komitment na ilitaw silang mga hinahanap, o kahit man lang malawakang imbestigahan kung nasaan na sila. Ipinagpatuloy pa ang programang kontra-rebelyong pinagbatayan diumano ng mga operasyon ng militar sa pagdukot.

Kaya kahit may bagong rehimen, nandoon na naman sila sa lansangan. Silang naghahanap pa rin sa kanilang mga nawawala. Silang di nawawalan ng pag-asa na balang araw, malalaman din nila. Balang araw, makakamit din ang hustisya.

Isa si Lorena Santos sa mga naghahanap pa rin sa kanilang mga mahal sa buhay. Noong 2007, dinukot sa Mindanao ang ama niyang si Leo Velasco, na pinararatangan ng militar na nakatataas na lider-rebelde. (KR Guda)

Magkasabay na nagmartsa sina Connie Empeno at Linda Cadapan, kapwa ina ng dalawang kabataang desaparecido. Dinukot ang dalawang organisador ng magsasaka na mula UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan sa Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 2006. (KR Guda)

Nagmartsa rin si Ipe Soco, anak ni Gloria Soco, na isa sa limang indibidwal na dinukot sa Camarines Sur noong Hunyo 2006. (KR Guda)

Nagmartsa rin si Ipe Soco, anak ni Gloria Soco, na isa sa limang indibidwal na dinukot sa Camarines Norte noong Hunyo 2006. (KR Guda)

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9129

Posted by on Aug 31 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes