Marquez patuloy sa paghahabol kay Pacquiao
Patuloy ang paghahabol ni Juan Manuel Marquez sa isa pang laban kontra kay Manny Pacquiao.
Matapos mapagwagian ang rematch niya kontra kay Juan Diaz noong Hulyo 31 at mapanatili ang kanyang korona ng World Boxing Association lightweight, tinawag niya ulit ang pangalan ni Pacquiao para sa maaaring ikatlo niyang laban kontra sa Pilipino.
‘The trilogy is what I want. It’s what the people want,” saad ni Marquez. ”I will be ready for another fight in December, hopefully Pacquiao.”
Matatandaang dalawang pagkabigo ang natamasa ng 36-anyos na Mehikano kay Pacquiao, ngunit ayaw paniwalaan ni Marquez na lehitimo ang ikalawang pagkapanalo sa kanya ng Pilipino. Samantala, hindi naman makahanap ng pagkakataon si Pacquiao na lumaban kay Floyd Mayweather, Jr.
Nakatakda ring labanan ni Pacquiao si Antonio Margarito sa Nobyembre, bilang pamalit kay Mayweather.
Saad ni Marquez na mas gusto niya ang malabanan si Pacquiao kaysa sa kanyang pagtatamasa ng mga titulo ng lightweight sa World Boxing Association at World Boxing Organization.
”That’s true. That fight (kontra kay Pacquiao) is more important for me,” sambit ni Marquez.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8533
















